Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang aking papa, nakauwi na siya galing Japan. Tumakbo ako kaagad papalapit sa kanya sabay yakap.
"Papa!" Sigaw ko sa kanya at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Kamusta anak?" Tanong niya na may tuwa sa kanyang boses, "Pasensya na at hindi na ako nagpasabi pa sa'yo."
"Papa, kakadating mo lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, halika tayo'y maghapunan sa labas." Sagot niya.
"Hmm? Pwede naman tayo dito sa bahay maghapunan papa." Sabi ko.
"Espesyal ang gabi na ito kaya mag-bihis ka na dahil kakain tayo sa labas." Sagot niya na nakatawa.
Tumango ako at napatawa, "Sige papa, bibilisan ko na ang pagbibihis ko."
Dali-dali akong umakyat papunta sa aking kwarto para magpalit ng damit. Sobra akong tuwang tuwa ngayon, dahil sa umuwi na si papa makakasama ko na ulit siya araw-araw. Dumaretso agad ako sa aking kabinet at kumuha nang bistida, hindi ko na kailangan pang mag-abala pa dahil si papa naman ang aking makakasama kumain sa labas.
Nang ako ay makababa na sa aming sala ay nakita ko siyang may kausap sa aming hardin, naka-tawa ito at tila natutuwa sa kanyang kausap. Kumaway ako sa kanya at kumaway din siya sa akin, sana lang hindi trabaho ang tumawag sa kanya para sa ganoon ay ma-solo ko ang papa ko ngayong gabi.
"Handa ka na ba, Irene?" Tanong niya habang papalapit siya sa akin.
"Opo papa, tara na!" Sagot ko sa kanya nang pagka-sigla sigla.
Tumawa ito at umakbay siya sa akin, nagsimula na kaming maglakad papalabas ng aming bahay. Pumasok kami sa sasakyan at umandar na ito. Habang kami ay magkatabi ni papa sa loob ng sasakyan ay napansin ko na panay ang tayp niya sa kanyang cellphone.
"Trabaho ba yan papa?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at itinago na niya anh kanyang cellphone, "Hindi anak, kausap ko kanina ang ikatatagpo natin ngayon gabi."
"Huh? Makikipag-kita ba tayo sa mga kliyente nang kompanya ngayong gabi?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi anak," sabay tawa niya, "May ipapakilala ako sa'yo na espesyal na tao para sa akin."
"Ha! Akala ko ba ako lang ang espesyal na tao para sayo papa?" Tanong ko kaagad sa kanya.
"Heh, anak, siguro naman alam mo na may karelasyon ako na babae." Sagot niya.
Napa-tungo ako at tila nakakaramdam ako nang lungkot, matagal na kami magkasama ni papa simula pagkabata ko pa lamang bakit ngayon lanh siya naglakas loob na sabihin sa akin ito, at ngayong gabi makikilala ko na ang babae na karelasyon niya.
"Sana anak, matanggap mo na may pangangailangan rin ako, at sa kanya ko lamang ito makukuha.." Sabi niya.
"Ang iniisip mo ba hindi ko ito matatanggap kaya ngayon mo lang ito sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Anak, masyado ka pang bata noon kaya hindi ko siya maipakilala sa'yo. Pero ngayon nasa tamang edad ka na, nagpasya na ako na sabihin ito sa'yo.." Sagot niya.
"Papa, kung saan ka masaya lagi iyon ang pipiliin ko para sa'yo. Kahit sino pa man ang maging karelasyon mo tatanggapin ko ito nang buong buo dahil pinili mo siya..ang kinakatakot ko lang naman papa yung baka mawalan ka na nang oras para sa akin." Sabi ko sa kanya habang naka-tungo.
Kinuha niya ang aking baba at itinaas niya ang aking mukha para humarap sa kanya, "Anak, kahit anong mangyari, hindi ako mawawalan ng oras para sa'yo. Habang buhay mo ako makakasama Irene, ipinapangako ko sa'yo na hindi ako mawawalan ng oras para sa nag-iisa kung anak."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...