Nagkita-kita ulit kami nang aking mga kaibigan sa Starbucks malapit sa bahay namin. Nawala na ang bakas ng suntok sa aking mukha na nakuha ko sa mga kasama ni Lani.
"Totoo ba?" Tanong ni Gigi.
"Totoo ang nakita ninyo sa telebisyon at sa youtube, ako nga yung babae na nakikipag-suntukan sa mga kasama nang pinsan ni Yeri na si Lani." Sagot ko na nakatingin sa kanilang lahat.
"Bakit ka nag-sinungaling sa amin?" Tanong ni Wendy.
"Natakot ako na baka hindi ninyo ako matanggap dahil sa Suzuran ako nag-aaral." Sagot ko.
"Pero, bakit doon ka nag-aaral? Hindi ko pa rin maintindihan, ang mga nag-aaral lamang doon ay mga estudyante na hindi makapasa sa mga high standards na eskwelahan o hindi kaya mga basagulero." Tanong ni Joy.
Napangiti ako sa kanya, "Iyon ba ang tingin ninyo lahat sa Suzuran?"
Nagtinginan silang lahat sa isa't-isa at alam ko na kaagad ang kanilang sagot. Hindi ako nagkamali, iba talaga ang tingin nila sa eskwelahan ng Suzuran dahil kahit ako iyon din ang aking tingin noong una.
"Nagkakamali kayo, ang mga estudyante sa aming paaralan ay magagaling at hindi lang basta mga pala-away. Alam kong nabibilang ako sa paaralan na iyon, dahil kagaya nila ako." Sabi ko sa kanila at nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.
"Irene, hindi ka kagaya nila.. Hindi ka ganito dati." Sagot ni Joy.
"Nagkakamali ka Joy," at ako ay ngumiti at tumingin sa kanilang lahat, "Nagkunwari lang ako na pino kumilos na babae, pero ang totoo ay kagaya lang din ako kumilos ng isang lalaki."
"Pero, bakit mo ito nagawa Irene?" Tanong ni Yeri.
"Kailangan ko magpanggap para mabuhay, hindi ako ordinaryong babae lamang.. Ama ko si Kyoto Motaharu, at kailangan kong maging matapang, matatag, at malakas dahil balang araw ako ang magiging lider ng kompanya namin." Sagot ko sa kanya.
"Sabi sa akin ng aking daddy, hindi mo raw tinanggap ang paghingi nang paumanhin ng grupo nila Lani." Sabi ni Yeri.
"Tama, hindi ko ito tinanggap.. Kung tatanungin nyo kung ano ang dahilan, dahil ito sa prinsipyo ko. Sila ang unang nagsimula nang gulo at sinaktan ako, hindi ko sila papatawarin hanggat hindi sila nahingi nang tawad na totoo at bukal sa loob nila." Sagot ko.
"Uhh.. Alam mo, Irene.. Ngayon pa lamang, parang hindi na kita kilala.." Sabi ni Gigi.
"Hindi kita masisisi Gi, dahil ako naman ang pumili nang sitwasyon na ito. Ang gusto ko lang malaman nyo na ngayon na kaharap nyo ako, sinabi ko ang totoong ako at hindi na ako magkukunwari pa." Sagot ko sa kanya.
Napatayo si Gigi sa kanyang kinauupuan, "Pasensya na, pagkatapos ko marinig lahat ng ito mula sa'yo hindi ko alam kung matatanggap pa kita Irene."
Nagulat ako sa kanyang naging reaksyon at nagsimula na itong umalis sa kanyang upuan at naglakad papalayo sa amin.
"Gigi!" Sigaw ni Wendy.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jimin.
Napatingala si Gigi at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Jimin, "Ji.. Jimin!"
Lahat kami sa upuan ay napatayo nang makita namin si Jimin. Nang ako ay papalapit na sa kanila ay bigla naman yumakap si Gigi kay Jimin at ako ay napatigil sa aking paglalakad.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Jimin.
"Ilayo mo ako dito," sagot ni Gigi habang naiyak.
Inalis ni Jimin ang pagkakayakap ni Gigi sa kanya at hinawakan siya sa parehas niyang balikat, "Hindi, kailangan mong harapin ang kaibigan mo.. Kung kaibigan mo talaga si Irene, matatanggap mo kung sino man siya."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...