Kinabukasan ay nagising ako sa pag-katok ng paulit-ulit sa pinto nang kwarto ko. Bumangon ako at napa-tingin sa alarm clock ko, alas kwatro pa lamang ng madaling araw, sino kaya itong naka-katok na to. Tumayo ako at lumakad papalapit sa pinto na tamad na tamad at pahikab-hikab.
"Sino ba yan?" Sigaw ko at binuksan ko na ang pinto.
"Maligo ka na!" Sabi ni Jk.
Naka-simangot akong titig sa kanya, "Okay ka lang? Alas kwatro palang ng umaga."
"Mag-jojogging tayo papunta nang school, kumilos ka na!" Sagot niya, at nang titigan ko ang itsura niya mukhang naka-ligo na siya.
"Pwede ba, antok pa ako, matulog muna tayo.." Sagot ko at palakad na ako pabalik sa kama ko.
"Hindi pwede!" Sabi niya at tinulak niya ako papunta nang aking banyo. "Parte ito nang training mo sa akin, maligo ka na."
"Teka.. Teka, wag mo akong itulak!" Sagot ko at hanggang sa maka-pasok na ako nang aking banyo. "Ano bang klaseng training to, gigisingin mo talaga ako nang pagka-aga aga."
Ngumiti siya at binuksan niya ang shower, "Maligo ka na!" bigla naman akong nanlamig nang mabasa ako nang tubig.
"Ano ba!!!" Sigaw ko.
"Hindi ka maliligo kung hindi ka pa basa, tsaka okay na rin yan para magising ka." Sagot niya at sinarado niya ang pinto nang banyo ko na patawa-tawa.
"AHHHH!" Gigil na sigaw ko at tuluyan na akong naligo.
Makalipas ang trenta minutos ay bumaba na ako na naka-suot ng shorts at warmer jacket. May dala akong bag at naka-abang na sa akin si Jk sa sala na naka-uniporme nang Suzuran.
"Seryoso ka? Sabi mo magja-jogging tayo?" Tanong ko.
"Oo nga, mag-palit ka nang damit, mag uniporme ka." Sagot niya at naupo siya sa sofa.
"Magja-jogging tayong naka-uniform? Okay ka lang?" Tanong ko.
"Oo, kaya mag-uniform ka na.. Bilisan mo, malapit ng sumikat ang araw." Sagot niya.
Umirap ako sa kanya at nag-lakad na ako papunta nang banyo para makapag-bihis. Pagkatapos ng limang minuto ay naka-uniporme na ako at naka-simangot akong humarap sa kanya.
"Ang panget mo kapag naka-simangot, ibaba mo yang bag mo, iwan mo dito sa bahay." Sabi niya at tumayo na siya papuntang pinto.
"Ano?" Tanong ko at hinagis ko ang aking bag, "Ano bang klase training to?"
"Hindi ba sinabi sayo ni Jin na dapat naka-uniform ka nang Suzuran kahit nagte-training?" Tanong niya habang naka-suksok ang kamay niya sa kanyang bulsa.
"Sinabi, pero sabi mo magja-jogging tayo, hindi naman pwedeng mag-jogging na naka-balat na sapatos."katwiran ko sa kanya at naka-simangot pa rin.
Tumawa siya at binuksan na niya ang pinto, "Hindi naman magre-reklamo ang sapatos mo kapag ginamit mo siyang pang jogging, tara na!"
"Ugh," umikot ang mata ko at naglakad na ako palabas, "Para sayo madali lang dahil lalaki ka, pero ako may heels ang sapatos ko, tapos papatakbuhin mo ako."
"Puro ka naman reklamo," sagot niya habang naka-tingin sa kanyang relo, "Walang dalang gamit na kahit na ano ha."
"Oo, cellphone ko at wallet ko nasa loob ng bag." Sagot ko.
"Eto oh," inabot niya sa akin ang relo, "Isuot mo yan, naka-set na yan ha kaya wag mo nang galawin pa."
Kinuha ko ang relo, "May relo ako oh," pinakita ko sa kanya, "Hindi ko na kaylangan nito."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...