"Salamat sa mga pagkain, nabusog ako.." Sabay tawa nito habang umiinom siya nang tubig."Mabuti naman at nabusog ka," sagot ko naman habang ako ay nag-aantay ng bwelo. "Panuorin mo, palubog na ang araw.."
"HHHHHHHH! Oo nga, ang ganda.." Sagot nito habang naka-ngiting tingin dito.
Matagal ko nang gusto na makasama si Irene habang pinapanuod ang paglubog ng araw. Naiisip ko sa paglubog nito ay ito na rin ang hudyat na magtatapos na ang lahat sa amin. Ito na ang huli kong pagkakataon para masabi sa kanya lahat. Alam kong delikado ang gagawin ko ngayon dahil posibleng mabura muli ang lahat ng alaala niya na mayroon siya ngayon ngunit susubukan ko pa rin ito. Last chance ko na 'to.
Tumayo na ako sabay hubad ng costume ko. Inayos ko ang aking sarili at iniabot ko ang aking kamay sa kanya.
"Pwede ba kitang isayaw?" Tanong ko sa kanya at bigla namilog ang bibig nito sa gulat. Ang cute niya talaga.
"Sayaw? Hmm, mukhang hindi ko yata alam 'yon." Sagot nito.
Tumungo ako at lumuhod ng bahagya, "Hawakan mo ang aking kamay, ituturo ko ito sayo.."
"Ehh?" Iniabot niya ang kanyang kamay at napa-ngiti niya ako nang sobra nang maramdaman ko na ang kamay niya. "Anong gagawin natin?"
Gumalaw na ang isa ko pang kamay papunta sa kanyang bewang. Nagulat ito sa ginawa ko at napatingin siya dito. Mula sa bewang niya tinulak ko ito padait sa aking katawan. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa ginawa kong ito. Naririnig ko na nang malakas ang paghinga nga niya mula sa kanyang bibig. Inilagay ko ang kanan nyang kamay sa aking balikat at hinawakan ko naman ang kanyang kaliwang kamay gamit ang kanan kong kamay.
Nagsimula nang tumunog ang musika at kasabay nito ang paggalaw ko ngunit hindi ito nagalaw at tila wala siyang alam sa aming gagawin. Napa-ngiti ako at napatungo naman siya.
"Tumapak ka sa mga paa ko.."
"Ha?"
Binuhat ko ang katawan niya at pinatapak ko siya sa aking mga paa. Medyo mabigat na pala siya ngayon. Hinawakan ko na ulit siya sa bewang at sa kaliwa niyang kamay.
"Ehh, anong ginagawa mo.." Tanong nito na nahihiyang nauutal.
"Diba sabi ko sayo magsasayaw tayo?" Sabay tawa ko. Tumungo ulit ito at namumula na ang kanyang pisngi. "Tumingin ka sa akin, Irene."
"Eh?" Daha-dahan itong tumingila sa akin.
"Tumingin ka lang sa mga mata ko," sambit ko habang patuloy ang pag-sasayaw namin sa saloy ng napaka-banayad na musika.
Ang mga mata naman ay nagtapo at hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Wala akong ibang gustong makita sa mundo kundi si Irene lang. Gusto kong manatili siya sa aking paningin at hindi na mawala pa. Lahat ng galaw at kilos niya ay gusto kong pag masdan. Ang mga tawa at ngiti niya lamang ang pinaka-matamis sa lahat. Ang paghinga nito na may kasamang ngiti sa kanyang labi at ang pagbuka nito sa tuwing siya ay nagsasalita ang gusto kong masaksihan sa araw-araw. Gustong kong maramdaman ulit ang lamig ng boses niya. Ang pag kurap ng mga mata nito na sobrang nakaka-akit.
"Irene.." sambit ko sa kanya at tumingin naman siya. "Nakalimutan mo na ba talaga ako?"
"Ehh? Ano.. Anong sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...