Chapter 38

2K 217 41
                                    

           Nagsimula ang party ni Jimin pasado alas-syete na nang gabi, lahat ng mga taga-Suzuran ay imbitado kasama rin dito ang mga grupo na nakalaban namin nuon. Hindi mapakali ang mga mata ko sa kakaikot sa buong bahay ni Jimin, hinahanap ko si V, pupunta kaya siya ngayong gabi.. Balak ko sana siyang kausapin ulit at tanungin lahat ng mga nangyari sa kanya.

"Wag mo na hanapin si V, sa tingin ko hindi siya pupunta ngayon.." Sabi ni Jin habang may hawak-hawak na bote nang beer.

"Heh," bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Saan nyo balak mag-aral ng kolehiyo?"

"Hmm, parehas kaming naka-pasa sa UP Diliman ni Jimin, hindi ko lang alam kung saan balak mag-aral ni V." Sagot ni Jin na hindi tumitigil sa pagbati nang senyas sa iba pang mga bisita. "Actually, ikaw na ang magiging lider ng Bangtan sa darating na school year nyo sa Suzuran."

"Ha? Bakit ako? Diba dapat si Jk?" Tanong ko sa kanya na takang-taka.

"Ikaw ang Top ng Suzuran kaya dapat lang na ikaw ang maging lider, tsaka magta-transfer si Jk sa ibang bansa diba." Sagot ni Jin.

"Ano? Magta-transfer si Jk sa ibang bansa?" gulat na gulat kong tanong.

"Oo, bakit parang gulat na gulat ka?" Sabay tawa niya, "Hindi mo ba alam?"

     Lumakad ako palayo agad kay Jin at hinanap ko kaagad si Jk. Bakit siya magta-transfer sa ibang bansa, dahil ba sa gusto nya akong layuan, o baka dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari. Kailangan ko siya maka-usap.
      Pauli-uli na ako sa buong bahay ni Jimin at hindi ko pa rin siya mahanap, nasaan na ba kasi siya, sa sobrang daming tao kasi dito sa house party hindi ko na siya mahagilap pa.

"Flint!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya, "Nakita mo ba si Jk?"

"Oo, nasa rooftop siya, may kasama yata siyang babae.." Sagot ni Flint na parang lasing na lasing na.

"Saang rooftop? Eh wala namang rooftop sa bahay ni Jimin.." Tanong ko ulit.

"Pumunta ka sa second floor, dumaan sila sa bintana mula duon.." Sagot nito.

"Sige salamat.." Sabay takbo ko paakyat ng second floor.

Nang makarating na ako nang second floor ay isa-isa kong pinasok ang mga kwarto at hindi na ako nabigla sa mga nakita kong ibang party goers. Lahat sila ay kanya-kanya nang partner at lahat sila ay naglalampungan kahit saang sulok ng bahay na ito. Para nang ginawang bar ni Jimin ang bahay niya sa mga bisitang 'to. Nagbukas ako nang isang bintana at nakita ko si Jk na may kasamang babae.

"Jk!" Tawag ko sa pangalang niya at kaagad naman siyang lumingon.

"Bakit?" Tanong niya na naka-ngiti.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabay sulyap ko sa babaeng kasama niya. "Ngayon na.."

"Akala ko ba break na kayo ni Irene, bakit sinusundan ka pa rin niya?" Bulong ng babae sa kanya na rinig na rinig ko naman.

"Hoy, babaeng hipon, pwede ko bang mahiram muna yang nilalandi mo? May pag-uusapan lang kami.." Sabi ko duon sa babae at inirapan niya ako nang mata niya.

Nagpaalam si Jk sa kasama niyang babae at bumaba sa bintana, naglakad kami papuntang balkonahe ni Jimin para makapag-usap.

"Lilipat ka nga nang school sabi ni Jin?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Uhh, oo, ngayong bakasayon, lilipad na ako papuntang Amerika.." Sagot niya na mahina ang boses.

"Pero bakit? Mag-isa nalang ako sa Suzuran ganun ba?"

"Kaya mo na mana mag-isa Irene, tsaka para magkaayos na rin kayo ni V.. Alam mo kasi, mahirap din sa akin 'tong nangyayari."

"Kaya ka lalayo? Iiwan mo din pala ako eh!" sumbat ko sa kanya sabay tulak ng bahagya sa balikat niya.

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon