Makalipas ang dalawang araw ay hindi kami lumabas ng bahay ni Jk, parehas kaming nasa loob ng kwarto at hindi kami nagkakasabay sa pagkain. Sa ikatlong araw ay lumabas na ako nang kwarto at kumatok sa kanyang kwarto ngunit walang nasagot at wala rin akong naririnig na kahit na anong ingay mula sa loob.
Bumaba pa ako tanungin ang mga kasambahay namin, "Nakita nyo ba si Jk na lumabas?"
"Hindi po, hindi po siya nalabas ng kwarto niya.." sagot sa akin ng isang katulong namin.
"Wala siya sa kwarto nya, kumatok ako duon bago ako bumaba, wala naman nasagot."
"Si Sir Jk po ba hinahanap ninyo?" Tanong ni Larry at napalingon ako sa kanya.
"Oo, halos tatlong araw na kami hindi nagkikita sa loob ng bahay na 'to. Asaan ba siya?"
"Nasa kwarto po niya, hindi po siya nalabas, nagpapahatid lang po siya nang pagkain sa loob ng kwarto niya." Sagot ni Larry.
"Huh," napa-kunot ang noo ko, "Anong nangyari sa kanya?"
"Hindi ko po alam, pero gusto po niya sa loob ng kwarto siya nakain.." Sagot ni Larry.
"Pwede paki-kuha nang susi nang kwarto niya, hindi kasi siya nasagot nuong natawag ako sa loob kanina."
Kinuha nga ni Larry ang susi at magkasama kaming umakyat para buksan ang kwarto ni Jk. Pagkabukas nito ay wala akong makita sa sobrang dilim, binuksan ni Larry ang ilaw at nakita kong nakatalukbong lang siya.
"Sige na Larry, ako nang bahala dito.."
"Sige po.." Sagot niya at sinara niya ang pinto.
Nagtungo muna ako sa bintana at balkonahe niya para hawiin ko ang kurtina na tumatakip sa liwanang. Pagkabukas ng pagkabukas ko pa lamang ng kurtina ay tumama na kaagad ang liwanag ng araw papunta sa higaan ni Jk.
"Eeerrrrrr.." gumagalaw na si Jk.
Lumapit ako sa kama niya at kinuha ko ang kumot niya, "Oy, gumising ka na!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jk na punong puno nang red spot sa buong katawan niya pati mukha. "Jk, anong nangyari sayo? Bakit puro red spot ka?" Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko ang noo niya. "Sobrang init mo, may sakit ka.."
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya na naka-pikit at tila nahihirapan siya sa paghinga.
"Teka, tatawagin ko si Larry para madala ka namin sa ospital.." Sagot ko at nang tumalikod ako ay hinawakan niya bigla ang aking kamay. Napatigil ako sa pagkilos at tumingin sa kanya.
"Ayaw ko sa ospital," sagot niya.
Lumapit ulit ako sa kanya, "Siraulo ka ba, ang taas ng lagnat mo at puro ka pa red spot sa buong katawan.. Kailangan na kitang dalhin sa ospital."
"Ayoko, paki-usap.. Dalhan mo nalang ako nang gamot." Sagot niya na parang naghihingalo na.
"Aissshh.. Ang tigas ng ulo.. Sige na nga!"
Kinuha ko ang telepono sa katabi niya at tumawag ako sa kay Larry para tumawag ng doktor para papuntahin sa bahay. Nagpakuha na rin ako nang gamot niya at malamig na tubig para punasan ang buong katawan niya. Nalaman ko na tatlong araw na pala ang sakit niyang ito simula nang makauwi kami galing Zambales.
"Kumain ka na, mamaya ay andito na rin yung doktor na pinatawag ko.."
"Wala akon gana kumain, umalis ka na dito sa kwarto ko bago ka pa mahawa.." sagot niya habang nakatalukbong na naman ng kumot niya.
Ibinaba ko muna ang pagkain niya at inalis ulit ang kumot sa mukha niya, "Ano ba Jk, papatayin mo ba sarili mo? Yung mga pagkain na pinapadala mo dito ni hindi mo nga maubos, kaya hindi ka nagaling kasi hindi ka nakain ng tama."
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...