Sa araw ng bakasyon namin ay nagmamadali kami ni Jk dahil na-late na naman ako nang gising. Hindi ako makatulog dahil sa lagi kong naiisip si V nuong gabing iyon.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Late ka na naman natulog no?" Habang minamadali niya ako na magsuot ng sapatos.
"Diba sabi ko sayo mauna ka na, eh hindi tumunog ang alarm clock ko eh," gulo-gulo pa ang buhok ko at nagugutom pa ako.
"Kanina pa ako tinetext nila Jin, asan na daw ba tayo.. Ang bagal mo naman kumilos."
"Wag mo na nga akong pagalitan,"
"Sa sasakyan ka na mag-ayos, halika na, alas-otso na!" Sigaw niya sabay hila niya sa akin.
Ihahatid kaming dalawa ni Larry sa meeting place namin sa Cubao terminal, sasakyan ni Jimin ang gagamitin namin papunta nang Zambales dahil mayroon siyang 12 seater car na saktong sakto para aming sampu.
"Pwede ba wag ka na mag-panic dyan, ako nalang magpapaliwanag sa kanila kung bakit tayo na late."
"Talagang ikaw ang magpapaliwanag, tulog mantika ka kasi!"
"Tumahimik ka nga, inaasar-asar mo pa ako dyan!"
"Alam mo bang malayo ang Zambales? Kaya nga inagahan ang call time para makarating tayo duon bago magtanghali tapos ikaw naman nagpa-late ka pa."
Nakakainis 'tong si Jk, napaka-nagger kalalaking tao nakakarindi pa lahat ng mga sinasabi niya. Akala ko masayang magkaroon ng kapatid ngayon gusto ko nang mag get lost siya sa sobrang sungit kapag sinesermonan ako.
Nakarating kami sa terminal pasado alas-otso, at naka-simangot na sila Gigi. Lumapit ako sa kanila at humingi nang dispensa sa kanilang lahat.
"Ikaw talaga, hindi ka na nagbago!" Sabi ni V sabay pasuntok na patong niya sa ibabaw ng ulo ko. "Tara na, andito na mana ang lahat."
Si Jimin ang magda-drive mula Manila papuntang Zambales, umupo si Bacon katabi nang driver's seat. Sa passenger seat ay may ten seater, dahil nga walo nalang kami na sasakay ay nauna nang sumakay si V at umupo siya sa dulong upuan na sinundan naman ni Joy. Umupo si Jin sa pangalawang seater at tinatawag niya ako para umupo pero sumunod na agad si Wendy at tumabi sa kanya, tumabi rin si Gigi kay Wendy. Pumasok na ako sa sasakyan at umupo ako sa dulo nang unang row ng passenger seat, sumunod sa akin si Jk at sumunod naman si Yeri sa kanya.
Nagsimula na kaming magbyahe at nakikita ko si V sa mirror mula sa likod. Nagkwekwentuhan silang dalawa at may konting tawanan pa. Kumuha si Jk sa loob ng bag niya nang pagkain at ibinigay niya ito sa akin.
"Oh, alam ko hindi ka pa nakain," sabay abot niya sa akin ng sandwich.
Napaka-malaga at maalalahanin talaga ni Jk kaya nawala ang pagka-inis ko sa kanya, "Salamat," sabay ko sa sandwich para kainin.
"Wala ba akong sandwich Jk?" Tanong ni Yeri na naglalambing.
Kumuha si Jk ng sandwich mula sa bag at binigyan niya si Yeri, "Oh," iniabot niya ang bag sa likuran namin at inalok niya ang lahat. "Kumuha na kayo nang sandwich.."
"Ang sweet-sweet naman ng kapatid mo, Irene.." biro ni Jin na naka-tawa.
"Akala ko nyo lang sweet yan, napaka-sungit niyang kalag nasa bahay kaming dalawa." Sagot ko habang nakain, "Uh," siniko ako ni Jk sa braso. "Ano ka ba, totoo naman diba?"
"Kaya ako nakakapag-sungit gawa mo, ang kupad kupad mo kasing kumilos lagi.." Sabi ni Jk.
Lahat sila ay nagtawanan kaya napatawa nalang din kaming dalawa. Nang napatingin ako sa center mirror at nakita kong nakatingin sa akin si V, napatahimik ako at ng sinulyapan ko ulit siya ay naka-simangot na ito at tumingin sa bintana na katabi niya. Teka, galit ba siya, pero bakit naman siya magagalit. Minsan talaga ang hirap intindihin ang ugali ni V, minsan laging naka-tawa pero minsan naman lagi naka-simangot na parang may problema sa mundo.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...