Chapter 41

2.3K 201 38
                                    

Nang sumapit na ang kinahapunan ay dumating na ang yate sakay sila Jk. Napag-alaman ko na sinadya nila na mag-overnight kami sa isla at naka-set up na talaga ang mga gamit sa loob ng tree house para sa aming dalawa.

"Mga siraulo talaga kayo ha, papatayin nyo ba ako?" Sigaw ni V sabay hampas ng kamay niya kila Jimin. "Dumugo ang ulo ko gawa sa pagkakahampas nung isang tauhan nyo!"

"Teka-teka, sandali lang," awat ni Jk na naka-tawa. "Ginamot ko naman yang ulo mo."

"Tama, tsaka okay na mana kayo ni Irene.. Yun lang naman ang purpose namin kaya nagawa namin yun sa'yo." Sagot naman ni Jimin.

"Dalawang araw na akong nawawala, sigurado ako hinahanap na ako sa trabaho.." Sabi ni V.

"Wag kang mag-alala, naka-plano ang lahat kaya alam nilang hindi ka makakapasok." Sagot ni Jin na patawa-tawa.

"Talaga bang nagka-ayos na kayo ni Irene? Kung hindi ibabalik namin kayong dalawa sa isla." Tanong ni Jimin.

"Oo, nagkausap na kami ni Irene, kaya mula ngayon wala ni isa sa inyo ang pwedeng humawak sa kanya kung ayaw nyong masaktan ko kayo." Sagot kaagad ni V at ako naman ay napa-ngiti.

"Kung totoong nagkaayos kayo, mag kiss nga kayo.." Sabi ni Jimin.

Nagulat ako sa sinabi ni Jimin at nagka-tinginan kaming dalawa ni V. Ngumiti siya sabay smirk, akmang papalapit na siya sa akin ng halik at kaagad ko naman siyang tinulak papalayo.

"Ano ba!" Sigaw ko at nagtawanan silang lahat.

"Biro lang, magpahinga ka na.. " sabi ni V na naka-tawa sabay patong ng kamay niya sa ulo ko. "Kailangan mo nang pahinga at baka mabenat ka pa."

"Huh? May sakit ka ba Irene?" Tanong ni Jk.

"Oo, sobrang lakas ng ulan kagabi at napagod din ako sa paglalakad kaya siguro nag collapsed ako kagabi.." Sagot ko sa kanya na medyo nahihiya.

"Okay ka na ba? Pagluluto kita nang sopas.." Tanong niya na may halong pag-aalala.

"Oy, akala ko ba wala na kayong relasyon?" Tanong ni V sabay harang niya sa aking harapan.

"Ugh, oo nga, pero kapatid ko pa rin si Irene.." Sagot ni Jk.

"Wag na, okay na siya, ako na ang bahala kay Irene." Sabi ni V sabay harap niya sa akin. "Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."

"Ehh? Hindi ko.. Ikaw bahala.." Sagot ko na nauutal.

"Bakit ka nauutal?" Tanong niya sabay titig sa mukha, "Teka, nagba-blush ka ba?" Sabay ngiti niya sa akin na parang nangaasar pa.

"Tumigil ka nga, papasok na ako sa loob maliligo muna ako." Sagot ko sabay talikod papasok sa cabin.

"Oi teka lang.." Sigaw ni V habang sinusundan niya si Irene papasok sa loob ng cabin.

"Heh, mukhang bumalik na sa normal si V.." Sabi ni Jin.

"Oo nga, iba talaga ang nagagawa nang pag-ibig.. Hayy.." Sabay tingin kay Jk, "Pre, ayos ka lang?"

"Oo," sabay ngiti nito. "Masaya ako dahil masaya na si Irene, ganun pala ang pakiramdam kapag nakita mong masaya ang mahal mo."

"Teka, wag mong sabihing mahal mo pa rin si Irene?" Tanong ni Jin.

"Hindi naman ganun kadali yun diba, kahit ikaw, alam kong matagal tagal din bago ka naka-move on sa nararamdaman mo kay Irene diba.." Sagot ni Jk.

"Hay," sabay buntong hininga ni Jin, "Kahit hanggang ngayon naman eh gusto ko pa rin si Irene, pero sa tagal na din ng panahon, natutunan ko nang mahalin si Wendy."

The Intruder | 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon