Makalipas ng isang linggo ay nanatili si Irene sa bahay nila at hindi na ito nakapasok sa Suzuran. Nakatakda ang kanilang pag-alis sa dalawang araw mula ngayon. Lahat sila ay tutungo sa Amerika para maipatingin at magamot si Irene sa mga dalubhasang doktor doon.Pagkatapos ng klase ko ay agad akong nadalaw sa kanilang bahay para kamustahin si Irene, ngunit patuloy ang pag sakit ng ulo nito sa tuwing kinakausap ko siya. Madalas ay lagi itong tinuturukan ng pangpakalma nang kanyang personal nurse hanggang sa ito'y makatulog at sa muling pagka-gising niya ay wala ulit itong matatandaan.
Sobra-sobra na ang aking pag-aalala sa kalagayan ni Irene, mas mahirap para sa akin na makita siyang buhay ngunit nagdudusa ito sa kanyang sakit.
Pinag-aralan ko lahat ang mga sinabi nang doktor niya at nagsaliksik din ako tungkol sa kanyang maselan na kasong amnesia. Humingi ako lahat ng kopya nang mga laboratory examination niya at medical abstract ng kanyang doktor. Pagkatapos ng klase at trabaho ko ay patuloy ako sa pag-aaral tungkol sa kanyang sakit. Ang kanyang uri nang amnesia ay very rare na mangyari sa isang na traumatized na tao. Ang function ng kanyang utak ngayon ay sobrang hina pa rin dahilan ng pa-trigger nito nang sakit sa tuwing nakaka-alala ito nang insidente kung saan ito nakaranas ng trauma.
Sa library ng unibersidad na pinasukan ko madalas ako pumunta. Sa pag-aaral ko sa kaso ni Irene, ang tanging kayang tanggapin ng utak ni Irene ay bagong memorya lamang. Napapa-buntong hininga na lamang ako habang sinusuri ko lahat ng paraan para gumaling siya ngunit walang ibang gamot para dito. Hindi na rin ako makapag-concentrate sa aking pag-aaral sa arkitekto dahil mas lagi kong hawak ang mga libro nang pang medisina sa tuwing nag-aaral ako.
"Architecture ba talaga ang kinuha mo o doctor of medicine? Tigilan mo na yan, kinausap na ako nang tito ko kahapon tatlong beses ka na raw lumiliban sa mga major subjects mo." Sabi ni Jimin.
"Whew," napahinga ako nang malalim at sinarado ko ang aklat binabasa ko at napakamot sa aking noo. Hindi pa nga pala ako nakain simula kagabi. "Nakalimutan ko na may klase pala ako kanina,"
"Lagi ka nalang ganyan eh, sigurado ako hindi ka na naman kumain.. Pinapahirapan mo ba ang sarili mo?"
Tumayo na ako at inimis ko ang mga libro na aking hiniram, "Tumigil ka na nga sa mga pangaral mo sa akin, samahan mo nalang ako pumunta nang cafeteria hindi pa ako nakain simula kagabi."
Tumayo na rin ito at pailing-iling pa ito, "Wag mo nang pahirapan ang sarili mo, ipagdasal nalang natin si Irene na sana ay magamot siya pag dating nila sa Amerika."
Habang kami ay naglalakad papunta nang cafeteria ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga bagay na dapat kong gawin para gumaling lang si Irene. Hindi pa rin maalis sa loob ko na kasalanan ko ang lahat ng ito kaya ngayo'y siya ang nahihirapan sa kanyang kalagayan.
"Alam ko na naman yang iniisip mo," sabay akbay sa akin ni Jimin. "Wag mong sisihin ang lahat ng nangyari sa sarili mo," sabay tawa nito. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa lahat ay tanging alaala mo lang ang sobrang nakaka-apekto sa kanya."
"Siguro dahil masama talaga akong tao, at ako ang dahilan ng nangyari sa kanyang traumatic amnesia.."
"Heh, kahit naman gago ka minsan, alam ko na pagdating kay Irene ay hindi mo siya makayanan na gaguhin," habang patawa-tawa ito, "Ano na ang balak mo kapag umalis na sila papuntang Amerika?"
"Babalik naman sila dito diba? Pero hindi ako titigil sa pagnanais kong gumaling siya, para sa kanya din naman ang naging desisyon ng papa niya.." at bigla akong napa-isip.
Paano na nga ba kami kapag umalis na siya patungong Amerika. Sigurado akong mas malabo nang mangyari na maalala niya pa ako pero ganun pa man, mas makakabuti sa kanya na hindi niya ako maalala nang sa ganun ay hindi na siya sumpungin ng trauma na naidulot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...