Habang nagpupunas si V nang lamesa sa loob ng restaurant ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad naman niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa.
Pagka-bukas pa lamang ng message mula sa kanyang cellphone ay nanlaki na kaagad ang mga mata nito nang makita niya ang litrato ni Irene at Bacon na sweet na sweet sa isa't - isa habang pinipisil nito ang mukha ni Irene at malapit ang mga mukha nito sa kanya.
"Yung lalaking 'yon talaga!" Bulong ni V at pinigilan niya ang pag-init ng ulo niya. Kinuha niya ang mga gamit niya na pang linis sa lamesa sabay walk out mula sa dining area ng restaurant.
"Oh, anong nangyari don?" Tanong ng isang kasamahan niya sa trabaho.
Pumasok si V sa locker room at agad na kinuha ang kanyang gamit. Hinubad niya ang kanyang apron at hindi niya sinasagot ang mga tanong ng mga ka-trabaho niya. Patuloy lang ito sa pag-galaw habang naka-simangot at tila masama ang loob.
"Mag-under time ako ngayon!" Sabi niya.
"Ha? Teka, hindi pwede wala pa dito ang karelyebo mo," sagot ng manager habang naka-pamewang.
"May importante akong dapat gawin, emergency 'to, paki-usap hayaan muna ako mag-out ngayon ng maaga."paki-usap ni V at naka-simangot pa rin ito.
"O sige, mag time out ka na.." Sagot naman ng manager.
"Salamat," sabay yuko nito sa kanya.
-
Nang mapagod na kami sa paglalakad sa mall ay nagpasya na kami ni Bacon na magpahinga sa isang restaurant habang nakain kami nang paborito naming donuts.
"Kamusta na kayo ni V? Talaga bang opisyal na kayo na?" Tanong bigla ni Bacon at napatikom ang aking bibig.
"Mabilis ang pangyayari, pero mukhang ganuon na nga.." Sagot ko na medyo nahihiya.
"Masaya ako para sayo, ngayon kaya mo nang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa kanya." Sabay tawa nito.
"Hmm, ang totoo nyan, nagpapasalamat ako sa inyong lahat na tumulong sa akin para magpaka-totoo.." napalagok ako at huminga nang malalim. "Maraming salamat sa inyo, dahil mga naging kaibigan ko kayo."
"Bakit ka ba nagpapasalamat sa akin? Wala naman ako nuon para tulungan kayo na magkaayos." patawa-tawa nitong sabi.
"Kahit na, isa ka pa rin sa mga taong nagbigay sa akin ng lakas ng loob para maamin ko kay V ang lahat."
"Heh," nilapit nito ang mukha niya at tumingin sa akin ng diretcho. "Lumapit ka nga sa akin,"
"Ehhh?" Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya at tila may ibubulong ito sa akin.
"Alam mo, habang natagal, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko.." sabay ngiti nito sa akin at napatawa kaagad ako.
"Ehem!"
Nagulat ako sa tunog na iyon at sabay kami ni Bacon na napa-lingon sa aming tagiliran. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko si V sa akinh harapan. Naka-crossed ang mga braso niya at naka-simangot ito tingin kay Bacon.
"Ehh.. V.." nauutal na sambit ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit kasama mo ang girlfriend ko?" Sabay dabog niya sa lamesa dahilan ng patitinginan ng iba pang customer sa loob ng restaurant. "Diba sinabi ko na sayo dati, tigilan mo si Irene," sabay lapit ng mukha nito kay Bacon at akmang hahablotin niya ang damit nito.
"Teka lang V.." inawat ko siya at tumingin na siya sa akin. "Nagkakamali ka, sinamahan niya lang naman akong mag mall."
"Pare, easy ka lang, wala kaming ginagawang masama." Sabi ni Bacon.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...