Natapos ang isang linggo ay bumalik na kaming dalawa ni Jk sa Pilipinas, sa loob ng isang linggong 'yon ay pinag-aralan kong mahalin siya. Kailangan sa pagbalik naming ito ay dapat handa na kaming dalawa sa mga possibleng mangyari. Pagkalapag pa lamang namin sa NAIA, ay sinalubong na kaagad kami nang press at ibang pang mga taga-media. Lahat sila ay nagtatanong tungkol sa tunay na estado nang relasyon naming dalawa ni Jk.
"Miss Motoharu, totoo bang magkarelasyo na kayo nang anak ng napangasawa nang iyong ama?" Tanong ng isang babaeng reporter at pursigidong pursigido siyang makuha ang sagot ko.
Nakapaligid sa aming ang halos na kinseng mga bodyguards at pinipigilan nila ang paglapit sa aming dalawa. Inaalalayan ako ni Jk sa paglalakad at parehas kaming walang imik. Daig pa namin ang pinaka-kontrobersyal na mga artista ngayon sa bansa.
Nang kami'y makapasok na sa loob ng sasakyan ay halos sabay naming inalis ang sun glasses sa mga mata namin at nagkatinginan kaming dalawa. Napa-ngiti na lamang kami at hinawakan ni Jk ang aking kamay. Sa loob ng mahigit isang linggo naming bakasyon sa Japan ay marami na ring nagbago sa aming dalawa ni Jk. Kung noon ay malapit na kami sa isa't-isa ay mas lalo kaming naging close pa sa isa't-isa.
Dumating kami sa bahay nang hapunan, at agad kaming sinalubong ng aming mga magulang.
"Kamusta anak?" Tanong sa akin ni papa.
"Okay lang po papa, medyo napagod lang ako sa byahe dahil wala pa kaming halos na tulog ni Jk." Sagot ko sa kanya.
"Nag-enjoy ba kayong dalawa sa Japan?" Tanong ni Janes.
"Oo ma, sobrang enjoy.." Sagot ni Jk na naka-tawa.
"Oh siya, tayo'y maghapunan na muna.. Nagpahanda ako nang espesyal para sa inyong pagdating." Sabi ni papa.
"Salamat pa," sagot ko at nagtungo na nga kami sa hapag-kainan.
Pagkatapos ng hapanunan ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Pag-check ko sa aking cellphone ay naka-tanggap agad ito nang 52 messages at 15 missed calls, ng tingnan ko ito isa-isa ay mula sa mga kaibigan namin na text messages at ilang missed calls galing kila Gigi at Jin.
"Tok! Tok! Tok!" Sabay bukas sa pinto ko ni Jk. Napansin ko kaagad na hawak niya ang cellphone niya.
"Nakatanggap ka ba nang mga messages at tawag?" Tanong niya agad at lumapit siya sa kama ko.
"Oo, 52 messages at 15 missed calls.. Sigurado ako parehas lang tayong kinokontak ng mga yan." Sagot ko sa kanya na may kasamang pag-irap.
"Anong balak mo? Makikipag-kita ba tayo sa kanila para sabihin 'tong relasyon natin?" Tanong ni Jk.
"Wag na, hayaan mo nalang sila.. Tska magkikita naman tayo sa Suzuran sa second semester, duon nalang natin ipaliwanag." Sagot ko.
"Sige, matulog ka na at magpahinga.." Sabi niya at ako'y nahiga na. Inayos niya ang kumot ko sabay halik sa noo ko, "Goodnight."
"Goodnight.." Sagot ko at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil hindi ko na talaga kaya ang antok ko.
Makalipas pa ang ilang mga araw ay hindi na ako lumabas ng bahay dahil sa pinagaaralan ko lahat ng bagay na kailangan kong malaman tungkol sa aming kompanya at iba't-ibang negosyo nito. Habang ako ay nagbabasa sa lanai area nang aming bahay ay napansin ko na may nakatayo sa may gilid. Lumingon ako at nakita ko si Jk na nakatayo, naka-ngiti ito sa akin hanggang sa nagpasya siyang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...