Nang makarating na kami sa beach ay madilim na at walang kailaw-ilaw sa paligid, tanging ang liwanag mula sa buwan lamang ang ilaw na maayroon. Higit trenta minutos na kaming nag-iinatay sa pagdating ng helicopter o di kaya'y yate pero wala pa ring nadating. Hindi na ako mapalagay at panay ang uli ko makahanap lang ng signal, lumalalim na ang gabi at nagugutom na rin ako, mamamatay kami sa lamig ni V kapag hindi pa nila kami sinundo ngayon.
"Tumigil ka na sa kinalalakad mo dyan, mukha namang walang susundo sa atin na kahit na ano dito." Sabi ni V habang naka-upo sa buhangin.
"Hindi pwede 'to, mamatay tayo sa lamig dito kapag hindi nila tayo sinundo."
"Kasalanan mo 'to eh," sabay tayo niya at isinuksok na naman niya ang mga kamay niya sa bulsa niya. "Kung hindi ka lang sana despereada na maka-usap ako, eh di sana wala tayo ngayon dito.."
"Oo na, kasalanan ko na naman! Sorry ha.." Sigaw ko sa kanya, nakakairita na siya ni wala man lang siyang effort na gawin para makaalis kami dito.
"Bahala ka dyan mamatay sa lamig." Sabi niya sabay talikod at mukhang pabalik na siya sa gubat.
"Teka, saan ka na naman pupunta?" Sigaw ko.
"Hahanap nang matutulugan, pagod na ako." Sagot niya habang naglalakad papasok sa gubat.
"Hintayin mo ako, teka lang!" Sigaw ko sa kanya habang natakbo pasunod sa kanya.
Habang kami ay naglalakad na naman pabalik sa gubat ay walang tigil ang tyan ko sa pag tunog. Gutom na gutom na talaga ako, kahit tubig man lang ay wala akong nadala kasi akala ko naman makakauwi kami agad pagkatapos naming mag-usap. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pa nila kami sinusundo, alam naman nilang dead island ito at walang mapagkukunan na kahit na anong pagkain at tubig.
"Whew!" Sabay punas ni V ng kanyang pawis mula sa noo, "Wala akong makitang lugar na pwedeng pagtuluyan.."
"Teka, may natatandaan ako sa lugar na ito, may malapit na tree house dito.. Naririnig mo ba yung lagaslas ng tubig? Ibig sabihin malapit na tayo sa ilog." Sagot ko sa kanya at naka-mungot pa rin siya sa akin.
"Planadong planado nyo talaga 'to ano?" Sabi niya sabay lakad ulit. "Humanda sa akin silang lahat pag nakaalis na ako dito."
Sa paglalakad naman ay bigla namang kumidlat ng malakas at bumuhos ang napaka-lakas na ulan. Nagulat ako sa pagkidlat na iyon at tuluyan ng nabasa sa ulan. Summer na summer tapos biglang umulan, ano ba namang klaseng panahon meron dito sa Pilipinas. Ugh.
Nagpatuloy kami sa paglalakad kahit naulan na nang malakas, hindi man lang natinag si V o lingonin man lang ako dahil basang basa na kami parehas sa ulan. Siguro wala na talaga siyang pakialam sa akin, ni tingnan man lang ako sa mata ay hindi na niya kayang gawin pa."Ayun! Andito pa nga ang tree house." Sigaw ko sabay takbo papunta sa puno.
"Oy! Teka.." Sabay higit niya sa kamay ko nang akmang aakyat na ako papunta sa tree house. "Baka may tao dyang iba o di kaya ahas, ako muna ang aakyat."
"Sira ka ba? Ang lakas lakas ng ulan, kailangan ko nang sumilong.."
"Tumabi ka," sabay hila niya sa akin papalayo sa hagdanan. Nagsimula na siyang umakyat at pinanuod ko muna siya. "Umakyat ka na!"
Talagang siya pa ang nauna ha, hindi man lang ako tinulungan sa pag-akyat. "Na-check mo na ba?" tanong ko habang naakyat.
Nang maka-akyat na ako sa tree house ay naka-pasok na si V sa loob. Medyo nagulat ako nang makakita ako nang liwanag mula sa gasera. Walang ibang tao sa loob ng bahay ngunit malinis ang loob nito at mayroon din mga naka-stock na pagkain at tubig.
BINABASA MO ANG
The Intruder | 1
Teen FictionSi Irene Motoharu ay isang anak ng isang multi-billionaire Yakuza Leader ng Pilipinas at Japan, dahil sa nag-iisa lamang siyang anak kailangan niyang maging matatag, matapang, at malakas sa kahit na anong bagay. Nagpasya ang kanyang ama na siya ay p...