Chapter 7

14.9K 241 6
                                    

Zaldy’s pov

Tumambay muna ako dito sa may gym. Nakaupo dito sa may upper part ng bleachers katabi ang ibang varsities.

“Oh tol! Congrats nga pala. Pasok ka na sa team” sabi saken ni Lance

“Thanks tol. Ni hindi nga ako pinagpawisan kanina eh. Haha”

“Haha. Ayos ka din tol ah. Nga pala, kanina ko pang pansin na nakatingin sa’yo si Tricia ah. Type ka ata?” - Ryan

Pansin ko ngang kanina pa siyang nakatingin. Tanaw na tanaw ko kais siya dito sa taas. Masyado namang obvious ang isang yun. Pakipot pa kasi eh habol naman ang tingin saken. Haha.

“Ex ko yun Ryan…” 

“Ang swerte mo tol! Pero di na ako magtataka tol, model ka rin naman eh.” - Ryan

“Alam mo palang model ako? Haha” - ako

“Alam naman ata ng lahat. Wala na pating ibang binanggit ang mga girls dito nung first day of school kundi ang pangalan niyo ni Cody. Lakas mo din tol! Dapat pala nakapag-model na din para lalo akong sumikat sa mga chicks. Haha” - Lance

“Gagu! Haha. Nakakasawa na nga ang maging chick magnet eh. Hahaha” - ako

“Haha. Ang yabang din pala ng isang toh!” - Ryan

“Haha. Di naman. Medyo lang. Hahaha. Pero seryoso mga tol. Isa lang namang babaeng gusto ko ngayon eh.” - ako

“At sino naman yan?” tanong ni Lance. Sasabihin ko ba sa mga gagong toh? Haha.

“Do you see that girl?” sabi ko sabay turo kay Tricia.

“I’ll make sure that she’ll come back to me and beg me to be my girl again.”

“So interesado ka pa din pala sa kanya?” - Ryan

“Oo mga tol. Siya naman talaga ang dahilan ng paglipat ko dito sa school niyo eh” - ako

“Di ba sila na ni Migs? Pano yun?” biglang tanong ni Lance.

“Tss. Wala lang yun! Just wait and see. Babalik din saken ang isang yan.”

Mia’s pov

“Osige hintayin na lang kita mayang labasan. Text mo na lang ako pag tapos na kayo ah.” sabi ni Zaldy

Tss. Panira naman ng araw ang isang yun. If I know late na naman ang isang yun! Eh kung wag na lang kaya ako sumabay? Kung magpasundo na lang kaya ako kay kuya Bob?

(oy. Wag mo na akong hintayin. Pasundo na lang ako sa driver namin. Geh)

Tinext ko na siya. Ayaw ko ng umasang hihintayin pa niya ako. Tutal wala naman siyang pakialam saken eh.

1 message received...

Ang bilis magreply ah?

(No Mia. Ako na maghatid sa’yo. Hintayin pa rin kita kahit magtagal ka pa. Basta dito lang muna ako sa gym habang hinihintay ka.)

Ano namang ginagawa niya sa gym huh? Psh. If I know nandun din yung demonyitang yun! And if I know, nakikipag-flirt lang yun dun!

“Mia congrats nga pala sa new boyfriend mo ah. Ang swerte mo naman! Ang gwapo nun ha? Model pa. ^_^ ” sabi ni Ann

Siya si Ann. Ka-member ko dito sa club. Isa din sa mga close friends ko dito sa university.

“Anong swerte? Nakita ko nga siya kanina nakikipag-flirt lang sa iba. Tss”

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon