Chapter 13

14.3K 207 21
                                    

Mia's pov

Nakaupo na kami ngayon pareho habang magkaharapan kaming dalwa. At pansin kong titig na titig siya saken.

Medyo naiilang tuloy akong tingnan siya. Tumayo siya sa upuan niya at unti unti siyang lumalapit papunta saken. Oh my! Nakakatunaw namang titig yan!

Inalok niya ang kamay niya na tipong aayain niya akong isayaw kaya sumunod na lang ako sa kanya at inabot ko na lang ang kamay niya.

“Zaldy ano toh? Para san ba ang lahat ng toh??”

Kakaiba din kasi ang paligid. At talagang may music pa. Bagay na bagay para sa mga sweet na sayaw.

“Mia. Baby…”

Baby? Wala naman kami sa school ah? Pinagtitripan na naman ba niya ako? Pero mukhang di naman siya nagbibiro eh.

Nandito na kami ngayon sa gitna habang isinasayaw niya ako. Parang tumitigil ang mundo ko. Kahit hindi siya nagsasalita ramdam na ramdam ko na napakasaya ko.

Napakasaya ko dahil kasayaw ko na ngayon ang taong mahal ko. Si Zaldy na nagturo saken kung pano ang magmahal. Ang nagparamdam saken na napaka-espesyal ko.

Clueless ako ngayon. di ko alam kung anong meron. Pero eto na ba? Eto na ba ang hinihintay ko matagal na? Magtatapat na ba siya saken? Mahal na rin ba niya ako?

Actually noon in-denial pa akong aminin sa sarili ko na mahal ko na talaga si Zaldy. Pero sa mga nangyayari ngayon. Sigurado na akong mahal ko siya.

Inaamin ko. Away bati man kaming dalwa. madalas man niya akong asarin. At kahit ginagamit man niya ako. Never niyang pinaramdam saken na palabas lang ang lahat ng samen. Kahit wala si Tricia o tao sa paligid namin. Parang tunay na girlfriend pa rin ang turing niya saken. Marami mang iba ang nagsasabing di kami bagay dalwa, never naman niyang ipinaramdam saken na hindi ako iba sa kanya.

At dahil sa mga bagay na toh, nabuo unti-unti ang pagmamahal ko sa kanya.

At totoo ang mga sinabi ko kay Cody. Di ko na nga ata kayang bitawan pa si Zaldy. Alam kong kahibangan man ang pagpapanggap naming ito. Pero masaya naman ako sa ganito. Masaya akong kasama siya kahit ginagamit lang niya ako. Masaya pa rin ako dahil ramdam ko ang pagpapahalaga niya. At kung pde nga lang, habambuhay na lang niya akong gamitin wag lang kaming magkahiwalay na dalwa.

“Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Hindi ko alam kung pano---” panimula niya.

Di ko alam ang mararamdaman ko sa mga salitang binibitawan niya ngayon. Pero bakit ganun? Bakit parang kinakabahan ako?

“But I think I can’t stand a day without you Mia without seeing you. Gusto ko lagi kang nasa paningin ko. Hinahanap hanap ko lagi ang mga ngiti mo. Your sweet smile. Your sweet voice. Gusto kong laging naririnig ang boses mo. Ang mga tawa mo. Ang pagkainis mo sa mga bawat pang-aasar ko sa’yo. Gusto ko laging pagmasdan ang mga bawat expression ng mukha mo. Lahat. Lahat ng yun Mia…”

“Simula ng alukin kitang maging girlfriend ko. Di ka na nawala sa isip ko. Kahit nasa plano ko pa noon ang pabalikin si Tricia sa buhay ko naging magulo na ang pag-iisip ko. Naguguluhan ako tuwing tinitingnan kita. Tuwing napagmamasdan kita. I always wanted to see you. Gusto ko lagi kitang nakikitang masaya….”

“So what do you mean by that Zaldy???” singit ko sa litanya niya

I want it to make it clear to him. Gusto kong marinig mula sa kanya. Gusto kong kusang lumabas yun sa mga bibig niya.

Ang mga salitang matagal ko ng hinihintay na sabihin niya.

“Mia. Baby ko. I love you. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala ng iba.” dahan dahang sabi niya

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon