Mia's pov
"Why Mia? Do you want to end this now?" Gulat na tanong niya.
Ititigil ko na nga ba? Pakikinggan ko ba si Cody? Ang tagal kong di umiimik sa kanya. At naghihintay pa rin siya sa isasagot ko sa kanya.
"Mia? Ano??? Bakit di ka makasagot?" Tss. Anong bang isasagot ko sa sa kanya?!
"What if ayaw na kitang tulungan?"
"Well I guess wala na akong magagawa kung ayaw mo na"
Matagal din bago siya nakasagot. Pero yun lang? Yun lang ba ang sasabihin niya?
"Ayaw kitang pilitin Mia. Dahil ayaw ko din namang isipin mo na ginagamit lang kita. It's not actually my intention. Mahalaga ka para saken kaya ayaw kong makitang nahihirapan ka ng dahil lang saken. Kaya kung ayaw mo na okay lang Mia. Maiiintindihan ko naman eh" seryosong sabi niya
Ano ba toh? Bakit parang ayaw ko namang iwan siya?
"Don't worry Zaldy tutulungan pa rin naman kita. Kahit na gano pa yan katagal. Alam mo namang mahalaga ka rin naman saken eh dahil kaibigan kita. At kung eto ang ikakasaya mo. Handa naman akong tulungan ka."
Pero pwede bang maging totohanan na lang? Haaaay di ko na alam! Basta ang alam ko di ko na ata siya kayang bitawan. Ewan ko ba.
"Are you sure Mia? Baka kasi nahihirapan ka na ng dahil saken eh?"
"I'm sure of this Zaldy" Pero sure na nga ba talaga ako? Tss. Bahala na nga!
*****
Buong klase akong tahimik. Medyo nagkakailangan kasi kami ni Cody. Usually kasi kadaldalan at kaasaran ko siya kahit may klase.
Di naman sa galit ako sa kanya eh. Actually nahihiya pa nga ako dahil ni-reject ko siya. But he's asking for too much.
Alam kong concern siya pero di ko naman kayang gawin ang hinihiling niya.
Nandito kami sa cr nina Shin at Gayle ngayon. "Girl may problem ba? Bakit parang di kayo nagpapansinan ni Cody?" - Gayle
"Nagtapat na kasi siya saken girls eh. At sinabi na niyang mahal niya ako" - ako
"So anong sinagot mo sa kanya?" - Shin
"Di pa ba obvious Shin?! Ni-reject ko siya. Ayaw ko na nga kasing umasa pa siya. Yun nga lang nasaktan ko siya. Tss." paliwanag ko
"Too bad for you girl. Pero bakit di mo man lang binigyan ng chance yung tao? Kawawa naman kasi eh" - Gayle
"Ayaw ko na nga kasing umasa siya Gayle eh. Alam niyo namang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya di ba?" - ako
"Pero hindi naman yun ang mismong dahilan kung bakit di kami nagpapansinan eh" Kita ko ang pagka-curious sa mga mukha nila.
"Ha? So ano pa?" - Shin
"He asked me last night about samen ni Zaldy. Pumunta siya sa bahay. At gusto niyang itigil na daw namin ang pagpapanggap naming dalwa ni Zaldy."
"Hmmm. So I guess di ka pumayag sa gusto niya noh?" - Shin
"Yah... Di ko kayang iwan ng ganun ganun na lang si Zaldy"
"Why girl? Do you already like him? Wait. Or should I say do you already love him?" tanong saken ni Shin
"Actually Shin. Di ko alam kung mahal ko na siya. Pero oo. Medyo nahulog na ang loob ko sa kanya"
"Ay Mia ang tanga mo naman! Martir pa! Bakit mo hinayaang ma-fall sa kanya?! Tapos ngayon si Cody pa ang lumalabas na mali sa tingin mo? Di mo ba napapansin na concern lang sa'yo si Cody? Ayaw ka lang niyang masaktan dahil mahal ka niya." paliwanag ni Shin
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...