Mia’s pov
“Ha? Anong dito? Ma ano toh?! Pumayag kayo?!”
Grabe si Mama ha! At talagang tuwang tuwa pa nung tingnan ko siya!
“So what’s the problem anak? Haha. Pagod kasi masyado si Zaldy galing sa practice tapos dinalaw ka pa niya dito. Naawa naman ako. So dito ko na muna siya pinagpahinga”
So okay lang kay mama?!
Haller?! Masyado na ba siyang desperada na paglapitin kami ng husto ni Zaldy?! And to think na anak niya ako. Tas siya pa talaga mismo ang kunsintidor ha.
“At buti na lang may dala akong mga damit. So pumayag na rin ako sa alok ng mama mo na dito na ako matulog. And besides sabado naman bukas eh”
T___T
Huh? If I know planado niya toh. Imposible kayang pati pambahay na damit eh dala dala rin niya noh. Tss. Masyado namang obvious ang isang toh!
Hindi naman sa ayaw ko siyang nandito. Kaso hindi kasi ako sanay na magkasama kami sa iisang bahay eh.
Hay! Ano ba naman yan? kanina lang kinikilig ako. Bakit ngayon parang naiinis naman ako?! Hinila ko si Zaldy palayo kay mama at bumulong sa kanya.
“Anong ginagawa mo ha? So ganyan ba ang style mo ng panliligaw? Gusto mo ba talagang sagutin kita?”
Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Grabe! I can really feel his warm breath. Ang lapit na niya sobra sa mukha ko! Kainis tuloy! Naiilang kasi ako dahil nakatitig na naman siya!
“Why baby? Nahihiya ka ba na nasa isang bahay tayo ngayon? (^^,)” pabulong na sabi niya in a sweet voice.
Sh*t! Ano ba naman tong na-fefeel ko? Bakit parang kinukuryente ata ako?!
“Stop that okay?!” Naitulak ko tuloy siya bigla nang di sinasadya. Well mahina lang naman eh. Di na kasi ako mapakali sa sobrang lapit niya eh.
T___T
Napatingin pa tuloy sina mama saken.
“Sis! Why did you push Zaldy?? Zaldy are you hurt?” sabi ni Ate habang sinusuri ang mga braso ni Zaldy.
Psh. Ang OA naman! Ate ako ang kapatid mo hindi siya. Bakit mas concern ka pa sa kanya? =___=
“Anak wag mo naman saktan ang boyfriend mo” Aba’t ako pa talaga ang napasama?! Anak ng tipaklong naman oh!
Tiningnan ko naman si Zaldy. Hayun at parang walang nangyari. Pangisi-ngisi pa. Kuh! Nang-aasar ba siya?!
“Ma sige na akyat na ako ah. Mapupuyat lang ako dito eh. Atska may assignment pa akong gagawin.”
“Okay. Oh sige na Zaldy samahan mo na sa kwarto si Mia at magpahinga na kayong dalwa.”
“MA!” sigaw ko kay mama
“Hahaha. Joke lang anak! Kaw naman di ka na mabiro. Haha. Lagot naman ako sa papa mo niyan pag nagkataon noh. Haha. As if namang pagtatabihin ko talaga kayong dalwa sa pagtulog? Mga bata pa kayo noh.Siya sige na hated mo na lang si Zaldy sa guest room okay? Dun na muna siya matutulog”
“Okay ma. Goodnight ma!” sabi ko sabay kiss kay mama
“Oh ano tara na” at hinatak ko na si Zaldy paakyat sa hagdan.
“Ang taray naman ng baby ko”
“Kaw kasi nakakainis ka!”
“Why? Ano na naman bang ginawa ko?”
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...