Chapter 12

13.7K 212 8
                                    

Zaldy’s pov

Nagseselos?

“Sige Mia andito na tayo.” Di ko na sinagot ang tanong niya.

“Osige na Zaldy bukas na lang. Ingat ka na lang sa pag-dadrive mo ah”

“Geh Mia. Pakisabi na lang sa mga mama mo na umuna na ako ah. Sige pumasok ka na sa loob” sabi ko na lang. At nag-nod na lang siya.

Naiinis ako sa sarili ko! Gusto ko na kasing sabihin sa kanya kaso di ko alam kung paano! Tss. But I think hindi pa ito ang tamang oras.

Pero nung nakita ko kung pano kausapin nung Patrick na yun si Mia. Oo inaamin ko. Nagselos ako! So ganun ba talaga sila ka-close sa isa’t isa?

*****

Kinabukasan…

“Dude pwede ba tayong mag-usap?” Nakipagkita muna ako kay Cody after kong maihatid si Mia sa room niya.

Sigurado kasi akong masama ang loob niya. But I can't blame him. Mukhang mahal nga niya talaga si Mia eh.

“Don’t worry dude di ako galit. Ikaw na ang pinili niya. Pero sana lang dude wag na wag mo siyang sasaktan dahil baka magalit na talaga ako sa’yo pag nangyari yun…” seryosong sabi niya

Damn! Bakit ba niya lagi niyang ipinamumukha saken na sasaktan ko si Mia?

“Dude ano ka ba? Ano bang mga pinagsasabi mo diyan gago ka ha? Wag ka nga masyadong seryoso. Haha. Pero seriously dude. Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala kay Mia. Di ko siya sasaktan sinisigurado ko yun”

At wala na rin naman sigurong dahilan para masaktan ko siya di ba? Yun nga lang. Di niya alam na ayaw ko nang makipagbalikan pa kay Tricia.

Masyadong mabait si Mia. Di ko siya kayang saktan. Dahil sa totoo lang. Wala ng ibang mahalagang babae sa buhay ko ngayon kundi siya.

Yes. I admit that I already love her. Di ko alam kung kelan nagsimula. Di ko alam kung pano. Basta ang alam ko lang. Ayaw ko na siyang ng mapunta sa iba. Kahit na kay Cody na bestfriend ko pa.

Selfish mang pakinggan pero ganyan lang siguro talaga pag mahal mo ng talaga. Di mo hahayaang mapunta sa iba.

Humahanap na lang ako ng tyempo para sabihin sa kanya. But for now, hahayaan ko na munang isipin niyang palabas pa rin ang lahat.

Mia’s pov

I asked Zaldy last night kung nagseselos siya. Pero di siya sumagot.

So sign na ba yun?

Nahahati ang puso at isip ko ngayon. Sabi ng puso ko nagseselos siya pero pilit kong ipinapaintindi sa isip ko na malabong mangyari ang lahat ng yun.

Imposible. Dahil alam kong sa kabila ng lahat, si Tricia pa rin naman ang mahal niya. So bakit nga naman siya magseselos di ba? Pero bakit ganun? Bakit ramdam kong nagseselos siya?

Aiissh! Eto na naman ako oh. Kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko! Tss.

Papalabas na sana ako ng room para pumunta sa canteen nang biglang... “Mia pwede ba tayong mag-usap?”

Bigla akong kinausap ni Cody. Medyo naiilang tuloy ako.

“Oo naman Cody. Hmmmm. Teka? Di ka na ba galit saken?” nag-aalangang tanong ko sa kanya.

“Bakit naman ako magagalit sa’yo Mia. Ang totoo nga niyan ikaw ang dapat magalit saken eh dahil sa mga nasabi ko sa’yo nung isang gabi. I’m sorry Mia about that. Naging desperado lang siguro talaga ako. Sorry talaga”

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon