Chapter 9

14.5K 240 5
                                    

Mia’s pov

“Ok guys back to game!” sabi ng coach nila

“Goodluck Zaldy! Kaya mo yan! Aja!” sabi ko with gestures pa. Haha.

Bumalik na rin ako sa pwesto namin nina Shin at Gayle.

“O my! Dikit na dikit na ang scores nila. Ang gagaling nila pareho sa game. Parang kinakabahan na tuloy ako sa result! T__T” - Gayle

Infairness magaling din naman nga ang players ng Eastville University eh. Pansin ko kasing seryosong seryoso na rin sina Zaldy at Cody sa game.

At magaling din yung isang korean guy kanina ah.

“GO BABY! Tapusin mo na yang game na yan. Kayang kaya mo yan!” sigaw ko

“GO CODY! Talunin mo na ang mga yan. Manlilibre ka pa mamaya di ba? Hahaha” - Shin

Kelangan pa talaga tumawa ng malakas? Haha.

Kanya kanya kaming sigawan dito. Halos lahat ng audience tensyonado na rin. Masyado na kasing  intense ang laban. Pareho kasi silang determinadong manalo.

And now. Na kay Zaldy na ang bola.

I-shoot mo na yan dali!

.............

Natapos na ang laban. At curious ba kayo kung sinong nanalo? Eh di siyempre ang team namin. ^__^

Papalapit na sana ako kay Zaldy nang…

Si Tricia demonyita umeksena na naman! Okay magsama kayong dalwa!

“What’s the problem miss? Oh wag masyadong sumimangot sige ka papangit ka niyan.“

Kinausap ako ni Korean guy. Marunong pala siya magtagalog?

“Long time no see Mia… ^_^” sabi pa niya

??_??

Kilala niya ako??

“Baby!” tinawag ako bigla  ni Zaldy

“Bakit di mo ako nilalapitan? Kanina pang tapos ang game ah. Nakakatampo ka naman. Wala bang kiss diyan ang baby ko? (^^,)“

Grabe namang makapanukso ang isang toh oh. Samantalang kanina lang nakikipagflirt ang isang toh!

“Sira!” palusot ko sa kanya “Anyway, congrats baby! ^_^“

Pero parang kami talaga noh? Hehe.

Nilingunan ko naman si Korean guy. Kaso nawala na siya. Medyo na-curious kasi ako eh dahil parang kilalang kilala niya ako eh.

“Oh san na tayo ngayon guys? Manlilibre pa kayo di ba? Haha” biglang imik ni Shin

“Di ba si Cody lang ang manlilibre? Haha” - Zaldy

“Dude narinig ko yun! Pareho lang tayong manlilibre. Wag kang madamot!” - Cody

“Ah! Tama na nga yan! Tara na guys. Gala mode na! Haha. ^_^” - Gayle

*****

Nandito na kami ngayon sa mall. “Baby anong gusto mong kainin?”

“Baby ka diyan! Wala na tayo sa school kaya manahimik ka diyan!” Kung maka-baby naman 'tong isang toh. Kuh. Feel na feel!

“Nice one Mia. Haha!” sabi ni Cody. Sinamaan tuloy ng tingin ni Zaldy. Haha.

“Ang sungit mo naman Mia. Tsss. So ano ngang gusto mong kainin?”

“Ikaw na lang ang bahalang umorder. Basta yung mabubusog ako ah. Hehe” Ganyan lang talaga kami mag-usap. Parang magkaaway lang kahit hindi. Haha. Then nagpunta na silang dalwa sa counter.

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon