Zaldy’s pov
Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang tumatakbo palayo. Nagtaka ako kung bakit biglang may tumulong luha sa mga mata ko?
Totoo nga kaya ang sinasabi niya? Bakit parang ako pa ata ang nakasakit sa kanya?
Honestly, I was hurt when Mia humiliated Pia in front of me. I can’t really understand why she was acting like that. Eh ang bait bait pa naman ni Pia. Hindi ko alam kung anong nagawa ni Pia sa kanya para siraan niya ng ganun.
After she left yesterday from the hospital, Pia showed me something. Nakita ko ang mga pictures ni Mia kasama ang isang hindi rin pamilyar na mukha. And I was thought that he was Mia’s boyfriend.
Pero nagtaka ako dahil parang nakaramdam ako ng kakaiba. Parang selos na hindi ko maintindihan? Ewan ko. Basta parang kakaiba. Pero nagulat talaga ako sa sinabi niya kahapon.
Totoo bang mahal ako ni Mia?
“How’s your talk with Mia? Marami na naman bang kasinungalingan ang pinagsasabi niya?”
Parang bumalik ang ulirat ko nang biglang dumating si Pia. Mabilis na akong nagpahid ng luha bago pa ako makaharap sa kanya.
“Tell me Pia, are you really telling the truth about Mia?” Hindi ko na kasi alam ang paniniwalaan ko.
“Why Zaldy? Akala mo ba nagsisinungaling lang ako? Nakita mo naman siguro sa internet at blogs ang tungkol kay Mia di ba? At dahil nun, nalaman mo talaga ang motibo ni Mia. Hindi pa ba sapat na proof yun para sa’yo? Naninira lang siya ng ibang tao dahil alam niya na oras na malaman mo ang katotohanan isusumpa mo siya.”
Ewan ko. Pero naguguluhan talaga ako. Di ko alam kung maniniwala ako sa mga nabasa ko. I was really shocked reading those blogs and articles na naging kami pala? Kaya nagtaka ako kung bakit nagsinungaling siya nung sabihin niya sakeng kaibigan ko lang siya?
Di ko alam kung anong iisipin sa mga oras na yun. Ano bang gusto niyang palabasin? Na kailangan ko pang hulaan kung naging sino talaga siya sa buhay ko?
I was mad at her for not telling the truth and yet confused why she lied. Hindi ko maintindihan ang motibo niya.
Pero ang mas ikinagalit ko ay nang mabasa ko ang nangyari ang tungkol sa aksidente ko. Ayaw ko sanang maniwala pero habang binabasa ko ang mga blogs na yun tungkol sa kanya, parang nakaramdam ako ng galit sa kanya. At hindi ko talaga inakala na magagawa saken yun ni Mia?
Pero bakit ganun? Why am I feeling so guilty?! Parang gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Pero bakit parang may tumutulak saken na wag maniwala?
Ewan ko pero naguguluhan ang utak ko!
Naguguluhan ako sa kanilang dalwa. Parang may nakikita ako kay Pia na parang si Mia. Na si Mia ay si Pia at si Pia ay Mia. EWAN KO! PARANG SASABOG NA ANG UTAK KO!
Patrick’s pov
It’s almost a month since Mia and I had talked. And I really damn miss her! Sobra din akong nahirapan para iwasan siya. Tiniis ko siyang hindi pansinin sa school kahit na gusto ko na talaga siyang kausapin. At naawa talaga ako sa kanya ngayon. Nabalitaan ko kasi kay Trish na nagka-amnesia daw si Zaldy?
I really want to comfort her pero di bale na lang. Gusto ko na rin kasing maka-move on eh.
Akalain niyo’t nauso ang amnesia sa isang yun? Malas lang talaga ng kumag na yun.
Mag-isa lang ako ngayon sa condo unit ko. Weird nga eh. Madalas kasing nandito si Tricia kaya naninibago ako na wala siya. Vice versa nga lang eh. Pag ako kasi ang walang magawa, ako naman ang natambay sa unit niya. Naging habit na naming dalwa yun.
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...