Chapter 29

10.2K 133 17
                                    

Mia’s pov

Kaya pala nakakawang lang yung pinto?! So na-trap kami dito ganun?! At kaming dalwa lang?!

“Ha? Paano na? Paano tayo lalabas dito?!”

“Ewan ko lang.” tinatamad na sagot niya.

=___=

Bakit parang wala naman siyang pakialam na nakulong kami dito?

“Hindi pwede toh! Help! Nakulong kami dito! Gayle! Shin! Help!”

“Kahit magsisigaw ka pa diyan walang makakarinig sa’yo dito. Restricted ang area na toh. Ewan ko nga kung paano mo nakita ang kwartong toh? Natutulog ako dito tapos manggugulo ka.”

Meron bang restricted area sa isang bahay? Weird! At natutulog siya dito? Kelan pa naging tulugan ang? Pinagmasdan ko kasing maigi ang laman ng kwartong ito. Puro paintings at sketches. Bigla kong naalala, mahilig nga pala siya mag-sketch.

So dito pala ang tambayan niya? Pero infairness ang gaganda ng gawa niya ha.

“You mean hindi ito alam ni Yana?”

“Hindi. Pinagbawalan ko siyang makialam ng mga gamit ko dito.”

Ano ba yan?! So paano ako makakalabas dito? Ayaw kong makasama ang mokong na toh!

“Eh bakit parang cool na cool ka naman diyan? Parang wala lang sa’yo na nakulong tayo dito ah?!”




=___=

Di niya ako pinapansin. Bakit parang nagsasalita lang ako sa hangin? Hello kinakausap kaya kita!

Pumunta siya sa may table niya at umupo sa silya niya. May kinuha siyang papel at lapis. Ano namang gagawin niya?

“Hoy kausapin mo nga ako! Kinakausap kita!”

“Aaaaah! Ang ingay mo! Pwede ba tumahimik ka muna nag-coconcentrate ako!”

Medyo napatahimik naman nga ako. Iiiiih! Nakakainis siya! Bwisit! Umupo na lang ako sa isang sofa dun. Hay grabe nagugutom na ako! Huhu!

Krrrrooook! Krrroooook!

 

Bigla naman akong napahawak sa tiyan at napatingin sa kanya. Ano ba yan nakakahiya! Bigla kasing kumulo ang tiyan ko. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at may kinuha sa bag niya at may iniabot sakeng burger.

“Oh”

“Ha? Ano toh?”

“Eh di pagkain. Ngayon ka lang ba nakakita niyan?”

“Pilosopo! Siyempre alam kong pagkain yan! Pero bakit mo ako inaalok niyan?”

“Gutom ka na di ba?”

“No thanks hindi ako gutom.”

Krrroooooook! Krrrrooook!

 

=___=

“Kunin mo na kasi. Pasimple ka pa diyan eh alam ko namang takam na takam ka na.”

“Psh.” kinuha ko na yung burger.

“Salamat”

“Kainin mo lang yan. Para naman manahimik ka na muna.”

Sabi niya at bumalik na sa ginagawa niya. Nakakainis talaga! Bakit ba kasi ang tanga ko! Pero di ko naman alam na sira yung pinto eh. Haaaay.

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon