Mia’s pov
“Wait. Your hair anak. Ayusin ko lang nang konti. Parang gulo eh?”
“Ma. Ano ka ba? Sadyang ganyan ang style niyan noh! Haha.”
“Yang make up mo? Di ba parang masyadong makapal yan? Palitan mo kaya ang color ng lipstick mo?”
“Ma, okay na yan. Wag na.”
“Anong wag na? Tingnan mo nga ang pula pula. Masyado pang makapal. Palitan natin yan ng pink.”
Wala na akong nagawa. Pinilit talaga ni mama na palitan ang liptsitck ko.
“Ma!” biglang sigaw ni ate Kaye
“What?” – mama
“Anong ginawa mo sa lipstick ni Mia? Lumabas lang ako ng dressing room pinageksperimentuhan mo ng yang si Mia?”
“Masyadong makapal ang make up mo eh. Pinalitan ko lang naman ang color ng lipstick niya. Sobrang pula kaya. Baka naman magmukhang pokpok ang anak ko mamaya sa harap ng maraming tao sa kapal ng nilagay mo?!”
=___=
Ang OA na naman ni mama. Ihambing ba naman ako sa isang pokpok?!
“Hay naku. Ibabalik ko sa red ang lipstick niya. Halika ka nga sis.”
“Wag na.” – mama
“Ma, wag ka ngang old fashion diyan. Walang masama sa red lipstick noh? Sige sis upo ka na ulit dito. Ibabalik natin sa dati yan.”
“Kaye!”
“What Ma?!”
“Hep! Okay na Ma. Ate. Wag na kayong magtalo diyan dahil lang sa lipstick ko. Pwede na ‘to okay? Cute din naman ang pink eh.”
“O di ba Kaye sabi sa’yo mas okay ang pink.”
“Hay! Whatever Ma.”
T___T
Pati ba naman lipstick kailangan pa talagang pagtalunan?!
Nandito kami ngayon sa dressing room dahil ngayon na ang araw ng guesting ko sa concert ng idol kong si Ashley Stewart. Finally, makakasama ko na ang idol ko for the very first time sa isang concert. This is a dream come true! ^_^
At dahil balik normal na ulit ang buhay ko ngayon. Si mama na muna ang tumayong manager ko ngayong araw na ito at si ate Kaye naman ang naging make up artist ko. Haha. Wala nga lang si papa kasi hindi daw niya maiiwan ang kumpanya kahit na gusto pa niya akong mapanood. Pero i-tatry naman daw niyang sumunod eh.
Pero actually okay lang saken kahit hindi. Alam ko naman umay na rin siya sa kapapanood ng mga concert ko sa Korea dati eh. Haha.
“Haha. Wag na nga kayong magtalo. Maganda pa rin naman ako kahit na anong ayos ko eh. Thanks to you Mama and Ate Kaye. ^_^”
“You’re welcome sis! Kahit na medyo may kakapalan din ang face mo. Haha. And correction okay? Mas maganda kaya ako sa’yo! HAHA”
“Magsitigil nga kayo. Mas maganda pa rin ang original noh. Hahaha” Sabat naman ni mama
Nakakaloka talaga ang pamilya ko. Haha. Well. Sabi nga. Mana mana lang yan. Pare-pareho naman kaming magaganda eh. Hahaha. Siyempre mana kami pareho ni Ate kay Mama eh. ^_^
Tok tok…
“Excuse me miss Jean? Be ready. Malapit na ang number mo.”
“Okay po direk.”
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...