Mia’s pov
“Ano na namang pakana toh Zaldy? Ayoko na! Hinding hindi na ulit ako magpapagamit sa’yo!”
Tatayo na sana ako nang biglang pinigilan niya ang braso ko. Tiningnan ko lang siya habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. Sobrang seryoso ng mga tingin niya saken. Bakit ba ako pa?! Marami naman diyang ibang babae. Gusto na naman ba niyang paglaruan ang damdamin ko? Pwes ayoko na!
Kahit na anong pilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko ayaw pa rin niya akong bitawan.
“Zaldy ano ba?! Pinagtitinginan na tayo ng ibang tao oh. Gusto mo bang machismis pa tayo?!”
“Please help me. Just this time.” Nagmamakaawang sabi niya.
Umupo na lang ulit ako at tinanong ko siya ng mahinahon. “Tell me. Is this all about Tricia again? Dahil ba nag-break kayong dalwa?”
Nag-nod lang siya. Bakit ba sa dinami-daming babae ako pa lagi ang gusto niyang pagpanggapin na girlfriend niya?! Tapos na ako dito eh. Ayaw ko na. Nakakadala na.
“I’m so sorry Zaldy. But I wasn’t able to grant your favor this time. Tapos na ang papel ko sa pagpapanggap bilang girlfriend mo.”
“Why? What’s the problem? Can you tell me your reasons?”
Titig na titig lang siya saken habang nag-aabang sa isasagot ko. NO! I can’t admit to him na dahil nasaktan ako kaya ayaw ko ng magpagamit pa. Ayaw kong lumabas na mahina ako sa paningin niya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan na naman ako? Naiinis ako sa sarili ko.
“I’m just over it. I’m not that kind of woman anymore na medaling maawa para lang tumulong sa iba. You know what Zaldy, mabuti pang maghanap ka na lang ng iba. Yung perfect girl para mapagselos siya.”
“But I already found that girl. And it’s you. You’re the perfect girl para mapagselos ko si Tricia”
Para mapagselos na naman si Tricia? Parang ang sakit sa tenga pakinggan. Psh.
“No. My answer is no Zaldy. Hinding hindi na ako makikisama diyan sa mga kalokohan mo.”
And did he forget? Kahit naman papano may past din kami ah? But why is he acting like that? Parang hindi niya ako nagawang saktan ah? Ang bilis naman ata niyang makalimutan ang lahat ng ginawa niyang pagpapaasa saken nung sinabi niyang mahal niya ako?!
“I’m sorry Mia but whether you like it or not, you’re gonna be my girlfriend again.”
“NO WAY!”
“Yes you are my dear.” Nakangising sabi niya.
“At pag hindi ka pumayag, isusumbong ko sa parents mo ang pagtangka mong tumakas or I’ll make sure na hindi ka na makakalabas pa ng bahay mo dahil sa sobrang daming reporters ang mag-aabang sa’yo dahil sa ginawa mong eskandalo sa pagtakas ng araw na yun”
Huh? Ano toh blackmail?! Uso pa ba yun?!
“Hindi ako magpapasindak sa’yo. Atsaka asa ka pang paniwalaan ka ng press! Wala kang proof!”
“Ang lakas ko ata sa mga reporters dito. Gusto mo ngayon pa lang tawagan ko na sila eh? Ang gandang scoop ata nung ginawa mong pagtakas. Parang pelikula lang. Haha”
“Nang-aasar ka ba? At sinong tinakot mo?! Geh nawalan na ako ng gana. Sa’yo na yang pagkain mo. Mabusog ka sana!”
Iniwanan ko na siya. Pero patawa-tawa lang siya nung iwan ko siya. See? Sinong maniniwala sa mga kalokohan niya? Style niya bulok!
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...