Mia’s pov
“Ah Zaldy. Kasi ano eh--- Ah--”
Naman! Di ko alam ang sasabihin ko!
“It’s okay Mia. You don’t have to explain. He’s not your real boyfriend so what’s the point of explaining?”
“Patrick tama na please?”
“It’s okay Mia” biglang imik ni Zaldy. And then bumaling naman siya kay Patrick.
“So ngayon alam mo na. May the best man win na lang siguro” Huh? Talagang may ganun? Medyo napatawa tuloy ako bigla sa sinabi ni Zaldy! Haha!
“What’s so funny Mia?”
“Ah-- Wala. May naalala lang ako” palusot ko.
Nakakatawa naman kasi yung term ni Zaldy eh. At sobra naman nila akong pag-agawan dalwa? Ganun na ba akong kaganda? Parang ang haba lalo ng hair ko tuloy. Hahaha!
“Sige Mia. Tara na. Ihahatid pa kita senyo…” - Zaldy
“No. Ako na ang maghahatid sa kanya” - Pat
“Ako talaga ang naghahatid sa kanya kaya pwede umalis ka na?” - Zaldy
T___T
Kumusta naman ako dito? Pag-agawan ba ako!
“Bakit kaya hindi na lang ikaw ang umalis? Nandito na naman ako eh. Kaya ako na ang maghahatid sa kanya” - Pat
“Hoy Lee! Wala akong oras para makipagtalo kaya pwede umalis ka na? Sige Mia tara na”
Hinawakan ni Zaldy ang kanang kamay ko.
“No. She’s coming with me” sabi ni Pat sabay hawak naman sa kaliwang kamay ko.
Oh my! Ang sama na ng tinginan nila sa isa’t isa. Yun bang tipong may kuryente pumapagitna sa kanilang dalwa! Grabe! Para lang silang mga bata!
“Bitawan niyo nga ako! Okay. Para walang gulo. Ako na lang ang uuwi mag-isa” sabi ko na lang.
“Mia, di ba saken ka sasabay? Kaya tara na!” - Zaldy
“Hey Montales! Bitawan mo nga siya! Saken nga sinabi siya sasabay eh!” - Pat
Iiiiiiih! Nakakainis na silang dalwa!
“Okay okay. Let me decide first okay? So please bitawan niyo munang dalwa ang kamay ko pwede?”
At binitawan na nila ang kamay ko. Okay……. Game…….
1……. 2….. 3………!
TAKBO!
“Mia wait!” sigaw ni Pat
“Mia comeback!” sigaw naman ni Zaldy
“Una na ako senyong dalwa ah! Kung gusto niyo kayong dalwa na lang ang magsabay!” sigaw ko naman habang tumatakbo palayo sa kanila.
Hoooooh! Muntik na ako dun ah! Medyo nakakahingal din pala ang tumakbo ng ganung kabilis. Pero buti na lang runner ako. Haha!
Bahala nga silang dalwa dun! Ang kukulit kasi nila eh! Buti na lang may dumaan agad na taxi kaya mabilis din akong nakasakay.
Pansin kong malapit na si Zaldy. Sinundan kasi niya ako.
“Ah Kuya sige na alis na tayo. Wag mo nang pansinin ang isang yun! Pakibilis na lang kuya ah! Thank you!”
I’m sorry Zaldy. Wala na akong maisip na ibang paraan eh. Ayaw ko namang iwan ang isa senyo. Kaya ako na lang ang uuwi mag-isa.
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...