Mia’s pov
Agad akong umuwi at nagpunta kay papa para kumpirmahin ang lahat. Iniwan ko na muna sila at pinalabas kong may emergency kaya kailangan ko nang umuwi muna.
Grabe kasi si papa! Paano niya nagawa yun? Di man lang niya ako tinanong. Basta basta na lang siya nagdesisyon. So agad agad akong umuwi to confirm if it’s true dahil hindi talaga ako makakapayag kung sakaling totoo yun!
“Pa! Is it true na pinatanggal mo daw ako sa group?!”
“So alam mo na pala anak? Yes it’s true. And from now on, you’ll be staying here in the Philippines again. With us. Dito mo na rin itutuloy ang studies mo. Dahil simula ngayon, dito na rin ako mamamalagi kasama niyo. I already decided that I’ll continue running our business here. Close na ang ibang branches ng business natin sa ibang bansa.”
“Gusto kong ipagpatuloy na lang ang business natin dito para mabantayan ko na rin kayong pamilya ko. Masyado na akong matagal nawala and I think this is the only way para naman makasama ko naman kayong pamilya ko” mahabang paliwanag ni papa
Huh? So bakit ako kailangang madamay? Okay. I know I’m being selfish at this time. But all these past 3 years, dito na sa career ko umikot ang mundo ko. Pinaghirapan kong maabot ang mga pangarap ko tapos bigla na lang magiging ganito? Bigla na lang akong tatanggalan ng karapatang mag-decide sa sarili ko? And it’s because of my father?!
“But pa! You’re so unfair! Bakit kailangan akong madamay?! Alam niyo namang hindi ganung kadaling iwan ang lahat di ba? Tapos heto kayo ngayon bigla bigla na lang nagdesisyon nang wala man lang consent ko? It’s so unfair pa!”
“I’m sorry baby but I did this for your own good. Napag-usapan na namin ni Mr. Park ‘tong maigi at okay na sa kanya at sa management kaya wala ng problema sa pag-alis mo. So sa ayaw mo’t sa gusto you’ll be staying here now in the Philippines for good. Pinagbigyan na kita noon kaya ako naman ang pagbigyan mo ngayon. End of conversation!”
“But pa!”
“Pa!”
Hindi na ako pinakinggan ni papa. Dumiretso na siya sa kwarto niya. Parang lang siyang bingi. Ayaw niyang pakinggan ang mga paliwanag ko. Habang si mama naman ay parang hindi alam ang sasabihin. Ganun din si Ate Kaye.
“Ma. Help me. This is too much. Mahirap iwan ang career ko ng basta-basta lang. Please try to understand ma? Try to convince papa. Please ma?” mangiyak-ngiyak na sabi ko
“I’m sorry anak pero desisyon na ng papa mo yun. Wala na akong magagawa. Kung gusto mo dito mo na lang ipagpatuloy ang career mo. At ayaw mo ba nun? Makakasama ka na ulit namin. Ayaw mo bang makasama na ulit kami anak?”
“………….”
Medyo natahimik ako sa tanong na yun ni mama. I felt guilt sa sinabi niya. Parang naramdaman kong sobrang selfish ko na nga. Pero para kasing ang bilis ng pangyayari. Paano ko ngayon ipapaliwanag sa mga tao pag nawala ako? Paano na ang mga sis ko?
Aaaaaah! Hindi ko na alam!
Nagkulong na lang ako sa kwarto ko pagkatapos ng usapan namin kanina nina mama. At hatinggabi na din. Napansin ko na lang na puro texts at missed calls na pala ang phone ko.
(Sis? What happened? Are you okay?) – Dayne
(Unnie! Did something bad happen? Call me back okay?) – Kyla
Lahat ng members ng GIRLS nagtext saken. Yung iba naman missed calls. Sobrang nag-alala siguro sila. Kasi naman sinabi ko nga palang emergency. So kung anu-ano sigurong naisip ng mga yun.
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
JugendliteraturNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...