Chapter 8

15.6K 230 7
                                    

Mia’s pov

Kita ko na ngumisi siya.

=___=

Ooops?! Parang mali ata ang nabitawan kong salita???

“So nagagwapuhan ka pala saken Mia?” nakangising sabi niya.

“Hoy wag ka ngang mayabang diyan Zaldy! Si mama lang naman ang may sabi hindi ako noh!” pagsisinungaling ko

Oo alam ko gwapo ka! Pero wag naman masyadong mayabang pwede? Tss.

“Aminin mo na kasi Mia na gwapo ako. Pa-deny deny ka pa diyan eh namumula ka na nga oh. Hahaha!”

“Ang panget mo kaya! Ang panget panget mo! Hindi ka gwapo okay?! Sina mama lang naman ang nagagwapuhan sa’yo noh panget!”

“Ouch Mia! Tagos naman masyado ang pagkakasabi mo ng pangit! Ang sama mo naman. Am I that ugly sa paningin mo? But why are you blushing kung napapangitan ka saken? (^^,)” nakangising sabi niya habang tinititigan ako.

T___T

Aiissh! Ayan na naman ang titig na yan! Baka matunaw ako. Huhu!

“Hindi noh. Naiinitan kasi ako” sabi ko habang nagpaypay ng kamay kunwari

“Bakit kasi ang init init ngayong gabi noh? Tapos na naman ang summer? Nakakapagtaka naman?” palusot ko pa

Pero sa totoo lang malamig talaga ang panahon.  Haha. Ayaw ko lang isipin niya masyado na madali akong nadadala sa pag-papacharming niya.

“Naiinitan ka talaga? Mga palusot mo naman Mia! Hahaha! Siya sige na. Pasok ka na. Geh. Goodnight Mia! Wag mo ako masyadong iisipin ah? Hahaha! (^^,)”

T___T

Spell KAPAL! Hay sa wakas lumayas na ang isang yun. Grabe ang yabang talaga! Ang lakas ng hangin dito oh grabe!

*****

Haaaaay. Di ako makatulog. Nakakainis talaga ang yabang na yun! Kanina pa kasi siyang pumapasok sa utak ko eh. Tss

Biglang tumunog ang phone ko.

(Goodnight Mia. Sweet dreams! (^^,)...) 0908330…..

Ha? Sino naman tong epal na toh? Di kasi naka-save yung number sa phonebook ko eh.

(I’m sorry pero di po kasi naka-save ang # mo saken eh.)

(Si Cody toh Mia. Sorry. Nagising ba kita?)

Oh gulay! Si Cody pala! Oonga pala. May sinabi nga pala siya kanina saken. Tss.

(Okay lang Cody gising pa naman ako. Hehe. San mo nga pala nakuha ang # ko?)

(Kay Gayle. Siya sige Mia tulog ka na. Gabi na kasi. Baka mapuyat ka pa. Sige goodnight na Mia! Bukas na lang. ^_^)

Bukas na lang daw. Hay. Pano na kaya bukas? Kailangan ko na talaga matulog. I need to relax my mind! Super! T___T

*****

“Mia baka nga pala di na kita maihatid pauwi maya ha? May training kasi kami. M W F daw ang training so baka Tues and Thurs na lang kita mahatid senyo.”

“Ah ok. Sige. Sabihin ko na lang yan sa driver namin.”

“Sige Mia late na tayo. Pasok na ko sa room ko ah. Pasok ka na din. Mayang break na lang ulit. Kita na lang tayo ulit maya dito sa corridor. ^_~ ”

Aiissh! Nagpa-cute na naman ang isang yun.

“Okay. Sige” At pumasok na rin ako sa room ko. 

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon