CHAPTER 38: My heart only belongs to you

10.7K 163 15
                                    

Patrick’s pov

Kanina pa daw nawawala sa bahay si Mia at kanina pa rin daw siyang kinokontact nina tito pero hindi raw siya nasagot. Pati tawag ko hindi na rin niya sagutin pagkatapos maputol ang linya ng tawag ko sa kanya kanina.

Tss. Nasaan na ba kasi si Mia?! Baka kung ano ng gawin nun! Nag-aalala na talaga ako sa kanya. That jerk! Kasalanan niya ‘to! Lagi na lang niya sinasaktan si Mia!

“Hey Montales! What the hell did you do to Mia??? Nawawala siya alam mo ba yun?!” sinugod ko na si Montales. Baka kasi alam niya kung saan nagpunta si Mia.

“Teka lang pare ah pero kilala ba kita? At si Mia nawawala? Paaanong….”

Psh. Painosente pa talaga ang isang toh! Umiinit na talaga ang ulo ko!

“Totoo nga pala? Na may amnesia ka? Pwes wala akong pakialam kung hindi mo ako kilala! I’ll make sure that you’ll pay for this if something happened to Mia!”

“Teka? Sigurado ka bang nawawala si Mia?”

“Oo nga sabi! Kanina pa siyang hinahanap nina tito. Kanina pa siyang hindi makontak. At nang huling makausap ko siya sabi niya gusto na daw niyang tapusin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Baka kung ano nang ginawa nun! And this is all your fault you jerk! Sinaktan mo na naman si Mia!”

Hindi na talaga ako makapagtimpi. Para kasing walang pakialam ang g*gong toh kay Mia eh!

“Patrick!” rinig kong may tumawag saken

“Trish? What are you doing here?” Bakit nalaman ni Trish na nandito ako?

“Well, instinct you know. Wait. I heard nawawala daw si Mia? So tell me, what did you do to her Zaldy?!”

“You’re right. Mia’s missing. At huli ka na sa balita.” Sabat ko.

“Wag ka nang sumabat diyan hindi ikaw ang kinausap ko!”

=___=

May katarayan din talaga ang isang ‘to. Psh.

Di ko namalayan na nakaalis na pala si Montales. Ang bilis naman ng isang yun?! Tinakasan pa talaga ako! Psh. L*ko yun ah!

Mia’s pov

Bakit ba ang sama sama saken ng kapalaran? Bakit ba kung kailan handa na akong ayusin ang lahat saka naman nagkaganito?

“IIIIIIIIIH! NAKAKAINIS NA! AYAW KO NA! AYAW KO NA TALAGA!!”

“JAMES ZALDY MONTALES!!! NAKAKAINIS KA! OO IKAW!”

Gustong gusto kong ilabas ang sama ng loob ko. Nagpunta na lang ako dito sa playground ng village namin kung saan dito kami madalas maglaro noon ni Zaldy nung mga bata pa kami.

Eto na lang kasi ang nagiging tambayan ko pag gusto ko mapag-isa at pag gusto ko mailabas ang sama ng loob ko.

At buti na lang walang ibang tao. Kaya malaya akong nakakapag-emote dito mag-isa habang nakaupo dito sa swing.

“Hoy lalake! Ang daya daya mo naman eh! Bakit pati ako kinalimutan mo?! Mahalaga ba talaga ako sa’yo ha?! Mahal mo ba talaga ako ha?! Bakit ba ang hilig mong saktan ako?! Bakit ba ang hilig hilig mong paiyakin ako?!”

“Pero alam mo okay lang kahit ilang beses mo akong saktan! Kahit na ilang beses mo pa akong paiyakin. Basta bumalik lang yang alaala mo…”

Naninikip na talaga ang dibdib ko. Sobrang dami na ng luhang naiiyak ko pero hindi ko pa rin makalimutan ang sama ng loob ko.

“Okay lang kahit di na maging tayo. Okay lang kahit na maging magkaibigan na lang tayo. O maging kaaway mo pa ako habang buhay kung gusto mo, basta bumalik lang yang alaala mo!”

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon