Chapter 24

10.4K 159 27
                                    

Zaldy’s pov

“Babe. Manood naman tayo ng concert ng GIRLS. Please?”

Pati ba naman si Trish fan ng mga yun? Ang baduy baduy kaya! Atska bakit ba biglang umuso yang kpop na yan? Eh hindi naman maintindihan ang mga pinagsasabe ng mga Korean na yan.

“Sa iba na lang tayo pumunta. Ang boring ng gusto mo”

“Hindi kaya boring yun! And I’m sure naman na maraming manonood dun kasi madaming addict sa kpop and I one of them. ^__^”

Tss. Bakit ba ang hilig ng mga babae ngayon sa kpop na yan. Eh kabading naman ng concert na yun! Pati sina Gayle at Shin pinipilit kaming isama ni Cody. Pati na rin si Migs.

“Geh. Ikaw na lang ang pumunta. Sumabay ka na lang kina Gayle.”

“Ha?! Ako lang ang pupunta? Bakit ba ayaw mo akong samahan? Dahil ba kay Mia?! Siguro mahal mo pa siya noh!”

“Psh. Di ko na siya mahal. Ano bang pinagsasabi mo diyan. Tinatamad lang kasi ako pumunta kaya ayaw ko sumama. And besides, ayaw ko sa kpop.”

“Ah basta sa ayaw mo’t sa hindi sasama ka saken!” Damn! Nakakairita na talaga si Tricia. Masyadong demanding!

Mama calling…

Oh bakit naman biglang napatawag toh?

“Why ma?” tinatamad na tanong ko

“Kuya!” rinig ko na may sumigaw sa kabilang line. Si Yana lang pala.

“Yes Yana baby?”

She’s Alyana Mayne Montales. My three year old sister. Sina mama kasi ngayon lang naisipang sundan ako kung kelan ang laki laki ko na! Tss.

“Zaldy this is your mom. Sorry sa istorbo anak ah. Ito kasing kapatid mo nagliligalig kanina pa. Gustong ikaw daw ang sumundo dito sa airport”

Sumama pa kasi sa Korea si Yana eh. Yan tuloy masyadong namiss ang kuya. Haha.

“Geh ma. Papunta na ako” and then I ended the call.

“Sorry Trish but I need to go”

“Iiwan mo ako mag-isa dito?! Di mo man lang ba ako ihahatid?!” Ah oonga pala. Nakalimutan ko. Sensya naman! Haha.

“Sorry Trish. Geh hated na muna kita ng mabilis. Kelangan ko pa kasing sunduin sina mama sa airport eh”

Mabilis na akong nag-drive para maihatid agad si Trish. Wrong timing naman kasi ang pagpapasundo nina mama. Tss.

Nandito na ako sa ngayon sa airport. Pansin kong ang daming tao. Oh ano namang meron dito? Di pa ba sila nasanay sa presence ko? Haha.

Habang naglalakad ako bigla namang may napansin akong isang familiar na mukha ng babae. At kahit naka-shades siya madali kong na-recognize kung sino siya. At hindi ako nagkakamali.




Because that girl is Mia.

Mia’s pov

Tama ba yung nakita ko? Nilagpasan lang niya ako?! Pero hindi ba niya ako nakilala? Kita ko kasing titig na titig siya saken eh. Tas biglang nilagpasan lang ako ng ganun! Biglang parang hangin lang akong dumaan ganun?!

 

“Unnie! Bilisan mo na. Ihing ihi na ako eh!”

“Ah. Hehe. Okay”

“Ahmmm. Wait unnie? Do you know that guy? Grabe ang gwapo niya ha! At sobrang hot pa!”

Dumali na naman ang isang toh. At hot talaga ha? Haha. Pero lalong gwumapo ngayon si Zaldy ah. Hot nga talaga. Huh? What am I thinking! Erase erase! Galit ako sa kanya kaya dapat hindi ako nagpapadala! Pero infairness ang hot nga niya. Psh. So what kung hot siya. Galit pa rin ako sa kanya noh!

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon