Mia’s pov
“Are you serious?!”
“Mukha ba akong nagbibiro Mia?” and then he smirked on me
“Pwede ba?! Ibaba mo na lang ako. Wala akong balak na matulog sa bahay nang kung sino lalo na sa bahay mo!”
“Gusto mo talaga ibaba kita? Sige ka. It’s already past midnight. Ikaw rin baka mapano ka pa. Mabuti sana kung mga reporters ang manghahabol sa’yo ngayon. Eh paano kung may halimaw diyan sa labas? May mga mumu?”
T___T
‘Tong bwisit na ‘to! Nanakot pa talaga! Pero honestly natakot nga ako. Eh kasi naman takot din ako sa mga mumu. Kainis! Mukhang no choice na talaga ako.
“Oh bakit di ka makaimik ngayon diyan? Takot ka noh? Hahahahaha”
“Hindi ah! Aaaanooo kasi. Gabi na nga din pala. Delikado na sa labas” palusot ko
“Haha. Pakipot ka pa kasing ayaw mong matulog samen. Bakit natatakot ka bang makasama ako ngayong gabi? Tamang tama si manang Rosie lang ang tao sa bahay. Wala si Yana. (^^,)”
O_o
Bakit parang nahilo naman ako bigla sa sinabi niya?! OKAY. HE SOUNDS LIKE A PERVERT! SERIOUSLY!
“Pwede ba itigil mo yang mga kamanyakan mo PERVERT?!”
“Sinong pervert?! Hindi ako pervert. Ikaw lang naman ang nag-iisip ng kung ano ano diyan eh. Tingnan mo nga yang sarili mo namumula ka na naman. Haha”
Napahawak naman ako bigla sa pisngi ko.
“Bakit ba lagi ka na lang namumula pag kasama ako? Patay na patay ka siguro talaga saken noh?”
“KAPAL! Bakit ba kasi hindi mo na lang ako iuwi samen nang wala ng usapang ganito?!”
“Sorry baby. But it’s too late.”
Napatingin naman ako sa pagsenyas niya at saka ko napagtanto na nandito na pala kami sa harap ng bahay nila. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan naman ako ng pinto. In fairness gentleman pa rin siya. Katulad pa rin siya ng dati.
“Don’t worry naipagpaalam na kita sa mga parents mo. Sige sunod ka na saken. Wag ka masyadong kabahan wala akong gagawing masama sa’yo. Hahaha”
Sumunod na lang ako sa kanya at di na lang siya pinansin. Ipinagpaalam niya ako? Bakit ang bilis naman ata nila mapapayag? Lalo na si papa. Pero sa totoo lang parang nangangatog ang mga tuhod ko pagbaba ko sa kotse niya. Kung ano ano kasing pinagsasabi niya kanina eh!
Nagsimula na akong pumasok sa loob. Tahimik lang ang loob ng bahay nila hanggang sa biglang sinalubong na ako ng kapatid ni Zaldy. Napatingin tuloy ako kay Zaldy ng masama.
“Akala ko ba ha?”
Nginitian lang niya ako at biglang kinausap si Yana.
“Hindi ka daw makatulog sabi ni manang? What’s wrong baby?”
“Wala mama eh---“ tumingin naman saken bigla ang bata kaya nginitian ko siya. Ang cute talaga ng batang ito. Ang sarap kurutin! Ang taba kasi. Haha.
Biglang hinila ni Yana ang mga braso ko.
“Tulog na tayo!” at hinila na rin ng bata ang braso ni Zaldy
“Kuya let’s sleep! Unnie!”
=___=
Pero wish ko lang hindi nagmana ang batang ‘to sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...