Chapter 31

10.9K 154 14
                                    

Mia's pov

“Patrick—“ Naman oh! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

“What’s the meaning of this?!” tanong ni Pat

Medyo lumunok muna ako para makabwelo sa sasabihin ko.

“Patrick kami na ulit ni Zaldy.” Mahinahong sabi ko.

“Pero paaa-no?” Tinanggal ko muna ang pagkakaakbay saken ni Zaldy at nilapitan ko si Patrick. 

Tiningnan ko naman muna si Zaldy. “Baby mag-usap lang kami ni Patrick pwede?”

Tumango lang siya. Halatang nag-aalangan siyang pumayag pero hinayaan na lang niya ako. Pero lumapit naman siya at bumulong saken

"Be careful with your words" bulong niya pagkatapos ay nginitian ako at saka iniwan na kay Patrick

“Don’t worry baby” sabi ko naman sabay ngiti sa kanya.

Katahimikan lang ang bumalot sa paligid namin ni Pat pagkaalis ni Zaldy. Matagal ding walang nagsasalita sa aming dalwa hanggang siya na mismo ang bumasag ng katahimikan na yun.

"Totoo ba ang lahat o pakana na naman yun ng gagong yun?” seryosong tanong niya

“Everything is real Pat. I’m sorry kung hindi ko agad nasabi”

“Paano mo natanggap ulit ang gagong yun?! Di ba niloko ka na niya noon? Di ka pa ba nadala?!"

“Patrick inexplain na niya ang lahat saken and he said that nothing happened to them.” Psh. LIES. I hate it.

“At naniwala ka naman?” tumango na lang ako.

"So, do you still love him? Ganun mo ba talaga siya kamahal para balikan siya?" biglang tanong niya.

Medyo natigilan naman ako. Napahinga na lang ako ng malalim bago ko naman nasagot ang tanong niya. Kung tutuusin kasi paulit-ulit na yung itinatanong ni Patrick saken pero hindi lang lagi ang sagot ko sa kanya. But I think this time, I can’t really say no to him. And it’s because of that freakin’ DEAL!

"Oo." Matipid na sagot ko

"Okay” yun lang ang naisagot niya

“Okay lang sa’yo?”

“Bakit? Ano bang gusto mong sabihin ko Mia? Anong gusto mong gawin ko? Na matuwa ako ganun ba?! Na i-congratulate kita ganun?!"

Nabigla ako sa kanya. Medyo napasigaw kasi siya saken. Pero pansin kong pilit pa rin niyang ikinakalma ang sarili niya. Pati tuloy ang ibang estudyante napapatingin na.

"Pat, hindi naman sa ganun pero—"

"Mahal mo siya at hindi ako.” And then he sighed.

“Sana maging masaya ka sa desisyon mo.”

Nakatungo lang siya saken habang binibitawan ang mga salita niya. Pero natigilan talaga ako nang husto sa mga sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ramdam kong nasaktan ko siya ng sobra.

Iniwan na lang niya ako dito habang parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

“Patrick… I’m really really sorry” mahinang sabi ko na lang habang tinitingnan na lang siyang naglalakad palayo.

Nakakainis! Sobrang naiinis ako sa sarili ko! Bakit pa kasi ako pumayag sa deal na ‘to! Pati tuloy si Pat nadamay.

Ang bigat bigat lang sa pakiramdam. Feeling ko kasi nasaktan ko si Pat ng sobra kahit na hindi pa niya aminin. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Paulit-ulit ko na lang siyang nasasaktan. But I think this time, ito na ang pinakamabigat sa lahat.

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon