CHAPTER 34: ZALDY'S POV

11.2K 145 26
                                    

Zaldy’s pov

“No Zaldy. Please don’t break up with me. I can explain everything…” nakatungong sabi ni Tricia

Dahil sa narinig kong usapan nina Mia, agad ko ng pinuntahan si Tricia sa kanila. And she told me everything. She admits that it was all her fault. Na planado niya ang lahat!

I can’t believe that she can do this to me! What the hell is she thinking?!

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi puro galit sa kanya! Siguro kung lalaki lang siya kanina ko pa siyang nasuntok. Wala akong pakialam kung lumuhod pa siya sa harapan ko o kahit na buong araw pa siyang umiyak at magmakaawa.

Binalikan ko siya sa pag-aakalang inosente siya. 3 taon din akong nagsinungaling sa sarili ko para lang mapagbigyan si Tricia at balikan siya. Oo. Inaamin ko, siguro nga nasaktan ko siya noon dahil sa pambabae ko pero di ko alam na mas gagaguhin pala niya ako ng ganito!

All these years nagtanim ako ng galit kay Mia, sa babaeng pinakamamahal ko. Dahil lang sa pag-aakala na pinaasa lang niya ako. Pero si Tricia lang pala ang may kagagawan ng lahat!

Bullsh*t! Pinagmukha niya akong tanga!

 

“Explain?? So what do you want to explain Trish?! The way on how you ruined everything? Kung paano mo sinira ang tiwala saken ni Mia? All this time Trish itinuring kitang kaibigan. Pinilit kong pakisamahan ka sa loob ng 3 taon kahit na si Mia pa rin ang laman ng puso ko. Pinagkatiwalaan kita! Pero anong ginawa mo? Sinira mo ang lahat! Iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko dahil lang sa pagiging selfish mo!”

“Me? Selfish?! OO. Sige na! Ako na ang selfish! Pero alam mo naman siguro kung bakit di ba? Because I love you Zaldy. Ginawa ko lang yun kasi ayaw kong mawala ka saken. Nagawa ko lang yun kasi mahal kita!”

“Why Trish? Sinabi ko bang mahalin mo ako? L*cheng pagmahahal naman yan oh!”

“Why are you being so mean to me? Wala lang naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin kita ah? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito?” patuloy pa rin ang pag-iyak niya

“Ako pa?! Ako pa talaga ang nakasakit sa’yo ha?! Geh. Ako na talaga. Ako na ang masama! Ako na ang gago. Lahat na! Siguro nga Trish nakagawa ako ng masama sa’yo dati. Nambabae ako noon kahit na tayo pa. Pero minahal din naman kita ah. Pinagpanggap ko pa nga si Mia para lang bumalik ka saken di ba? Pero kasalanan ko din ba nang mahulog na ang loob ko kay Mia? Siguro nga malaki ang naging kasalanan ko sa’yo. Na nasaktan din kita ng sobra. And I’m really sorry for that Trish. Pero hindi na natin maibabalik ang dati. At dahil na rin sa ginawa mo, mukhang pati pagkakaibigan natin nasira na.”

“No Zaldy. Please don’t do this. Please don’t hate me. Hayaan mong ayusin ko ang lahat ng ginawa ko wag ka lang tuluyang mawala saken. Kahit friendship na lang ang matanggap ko okay lang saken. Basta wag ka lang tuluyang magalit saken.”

Hagulgol na umiiyak pa rin si Tricia sa harapan ko. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya ang lahat ng yun. Pero sa kabila ng lahat, naawa pa rin ako sa kanya. Siguro nga ako na rin mismo ang nagtulak sa kanya para magkaganito siya. Pero hindi ko pa rin makakalimutan na siya ang naging dahilan kung bakit ako iniwanan ni Mia. Siya pa rin ang naging puno’t dulo ng lahat!

“Look Trish. I’m sorry kung naging babaero man ako noon. Pero kailangan mo ba talagang gumanti ng ganito? Ganun ba kalaki ang naging atraso ko sa’yo para gaguhin mo ako ng ganito?!”

“No Zaldy. Kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo kasi mahal na mahal kita. And obviously, nagawa ko lang ang lahat ng yun dahil hindi ko matanggap na iba na ngayon ang laman ng puso mo. And I’m sorry for everything. Pinagsisihan ko na ang lahat. Siguro nga karma ko na rin ‘to sa mga ginawa ko kasi hindi ko na naibalik ang pagmamahal mo. Pero hayaan mo akong bumawi. I’ll do anything wag ka lang tuluyang magalit saken.”

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon