Mia’s pov
Tumakbo na ako agad palayo. Pero umasa pa rin akong hahabulin niya ako pero wala eh. Nakatingin lang siya. Ni hindi man lang niya ako nagawang sundan.
Ganun na ba ako ngayon kabalewala para sa’yo Zaldy?
Papasok na ako ng kotse nang biglang may tumawag saken.
“Ma’am Mia?”
Medyo pinahid ko muna ang mga luha ko bago ko hinarap yung taong tumawag saken. At pagtingin ko,
Teka… Parang kilala ko toh ah?
“Kuya Bob?” si kuya Bob. Ang dati naming driver.
“Kuya Bob ikaw nga?! Namiss kita kuya Bob! Kumusta ka na?”
Di ko na napigilan na yakapin sa Kuya. Namiss ko kaya ‘tong kuya ko. Kaya feeling ko tuloy lalong tumulo ang mga luha ko.
Ano ba naman yan. L*cheng luha naman! Di na ata naubos!
“Na-miss din kita Ma’am Mia. Oh siya tahan na. Wag ka ng umiyak.”
“Ano ka ba kuya? Mia na lang noh. Para ka namang others diyan. Pero namiss talaga kita kuya Bob! *hik* *hik*”
“Ah sige na nga. Ineng na lang okay ba yun? Haha. Siya tumahan ka na diyan. Para nagkita lang tayo ganyan ka na agad makaiyak? Haha.”
Tinapik ko si Kuya. “Kuya naman eh!”
“Haha. Para ka pa rin kasing bata. Siya tahan na. Hindi bagay sa’yo ang naiyak. Sayang ang make up”
Medyo napatawa naman ako sa kanya. Buti na lang nakita ko ngayon si kuya Bob. Kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.
“Oh ano kumusta ka ng bata ka? Ang tagal mong nawala ah? Atsaka bakit ka umiiyak?”
“Okay naman ako kuya. Atsaka ano ka ba kuya. Tears of joy ‘to kaya ako umiiyak.” Kunwaring sabi ko.
“Tears of joy daw? Hay naku ang batang ito. Saken ka pa talaga nagsinungaling eh kilalang kilala na kita pag may problema ka.”
“Wala lang ‘to. Napuwing lang ako kuya.” Pagsisinungaling ko.
“Napuwing daw?”
“Promise kuya napuwing lang talaga ako.”
“Sabihin mo nga ang totoo saken Mia. Dahil ba yan sa napapabalitang boyfriend mo? Yung Patrick nga ba yun?”
“Si Patrick? Hindi ko boyfriend yun noh. Friends lang kami.”
“Showbiz na showbiz talaga ang sagot? Haha. Eh di kung hindi yun eh sinong iniiyakan mo? Ah... Siguro yung ex-boyfriend mo na boyfriend mo na pala daw ulit?”
Ha? Anong pinagsasasabi nitong si kuya?
“Yun bang naaksidenteng model? Yung si Zaldy nga ba yun? Yung madalas sa bahay niyo noon?”
“Teka kuya? Kailan ka pa naging reporter? Don’t tell me paparazzi ka na ngayon????”
“Haha. Hindi ah! Siyempre narinig ko lang yung balita sa TV. Atska nagtaka ka pa talaga? Celebrity ka malamang. Oh ano? Totoo nga noh? Siya pa rin nga?”
Ang lupet din mambara ng kuya kong 'to. Grabe lang.
“Nakakainis ka talaga kuya alam mo yun?! Bakit mo alam?! *hik**hik*” Napahagulgol na lang ako ng iyak sa kanya.
Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga nangyari kanina. Bakit ba kasi sa pokpok na yun pa naniniwala si Zaldy?! Kainis!
“Oh siya tahan na. Baka mabalita pa tayo pag may nakakita saten. Sige ka baka maheadline pa sa dyaryo: DATING MIYEMBRO NG GIRLS, HULING HULI NA MAY KAYAKAP NA ISANG GWAPONG LALAKI” Tiningnan ko lang siya ng seryoso.
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...