Chapter 10

14.7K 235 19
                                    

Mia’s pov

Monday na naman. At isang linggo na naman ang lumipas. Grabe ang bilis ng araw. At magpapasko na naman.

“Mia kumusta na?” biglang tanong ni Cody saken

“Ha? Panong kumusta? Di kita ma-gets?”

“Di pa rin ba pwede?” Naman! Parang alam ko na ata ang ibig sabihin ng isang toh.

“Ang alin Cody???” painosenteng tanong ko. Kunwari di ko alam.

“Ang alin ang di pa rin pwede Cody?"

Ano ba naman tong si Cody? Bakit biglang bumanat naman ang isang toh? Ang tagal na kasi naming di pinag-uusapan ang tungkol dun eh. Tas ngayon uungkatin ulit???

“Mia--- matagal na rin tayong magkaibigan. 3months. At siguro naman sapat na yun para magkakilanlan tayong dalwa di ba? So hindi pa rin ba ako pwedeng manligaw sayo?”

Hayun na nga! Dineretso na niya! So ano naman kayang isasagot ko???

“Ah. Cody ano kasi eh. Ahmm---” paputol putol na sabi ko. Oh my! Not again lord!

T___T

Pano ko ba sasagutin ang tanong niya???

Okay. I know he’s one of the hottest model in the country. Sikat siya sa mga girls like Zaldy but I still can’t feel the same way. Walang spark kasi.

Alam niyo yun? Naka-encounter na ba kayo ng ganun minsan? Yung saksakan na ng gwapo ang kaharap mo pero walang talab sa’yo?

Yung feeling na kahit na anong gawing titig mo sa kanya para masabing gwapo nga talaga siya sa paningin mo pero kung walang spark. Wala talaga?

Well I admit na nung unang kita ko sa kanya na-crushan ko siya. Sino namang hindi di ba?

Pero nung tumagal kasi parang nawala eh. Lalo na siguro nung mas napalapit na ako ng husto kay Zaldy.

“Cody kasi---”

Krriiinngg….

Sakto! You’re my savior bell! Muntik na ako dun ah. Wew! Hehe.

Sa ngayon. Pag-iisipan ko munang mabuti ang isasagot ko sa tanong mong yan Cody. Pero sana naman di ko siya masaktan sa magiging sagot ko sakanya. Tsss. Ayaw kong umasa siya eh.

Pero ayaw ko di namang masaktan ko siya.

  

*****

“Baby anong gusto mong kainin?”

Ayan na naman ang tawagang "baby” portion na yan!

Actually nga pala, lagi niya akong nililibre sa pagkain. Generous yan eh. Haha. At di na rin siya nasira sa usapan namin. Lagi na siyang on-time. So parang kami na talaga kung tutuusin.

Kulang na lang talaga ang pagiging official naming dalwa. In short maraming ng nagbago. Pero palabas pa rin ang lahat ng toh.

“Ang sweet naman nila. Kainggit naman yung gf niya” girl 1

“Kaya nga eh Ang tagal na rin nilang dalwa noh? Sana naging gf din ako ni Zaldy” girl2

Haha. Mga echosera ang mga toh?

Buti naman wala na akong naririnig masyadong negative comments. Although meron pa rin naman ibang bitter diyan.

Well. Di ko rin naman masisisi ang mga bitter di ba. Ika nga ni Sarah G.... Di bale na ang bitter noh if bitter is better. Haha.

Marami na rin kasi ang mga nasanay na sa sitwasyon namin.

Pero hanggang kelan ba kami magiging ganito? Hanggang kelan ako magiging fake girlfriend ni Zaldy?

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon