Chapter 15

12.8K 181 16
                                    

Zaldy’s pov

Natulog lang ako ng almost 4 hours. Maaga kasi ang call time. Pero umuwi muna ako ng bahay para maligo ng mabilis.

Tricia calling…

(Why Trish? Napatawag ka?)

(Zaldy. Emergency! Nasira kasi ang car ko eh! Baka ma-late na ako. Pwede bang pasabay na lang sa’yo? Nandito pa naman ako sa house eh)

(Ah geh. Hintayin mo na lang ako diyan. I’m on my way.)

(Thank you Zaldy. You’re my savior talaga! Bye! Ingat!)

Nakarating na ako sa bahay nina Tricia.

“So taga-hatid na pala ako ngayon? Haha!” biro ko kay Tricia.

“I’m glad you came. Thank you Zaldy!” sabi niya sabay yakap saken. Talagang kailangang may kasama pang yakap?

“Okay okay. Pwede mo ng tanggalin ang yakap mo. Nasasakal na ako eh”

Medyo tinapik niya ang dibdib ko. “Kaw naman Zaldy parang naglalambing lang eh”

“Tsss. Okay let’s go.”

At isinakay ko na siya sa kotse. Actually, this our first time to be together again after our break up. At matagal tagal na rin nga pala yun. Marami na ring mga nangyari.

“Zaldy, what if hindi naging kayo ni Mia? Babalik ka pa kaya saken?” biglang tanong niya.

Seryoso ang mukha ni Tricia. “Ewan, di ko alam. Bakit mo naman naitanong?”

“Wala naman. I’m just thinking. What if makipagbalikan ako sa’yo? Papayag ka ba?”

Medyo sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya. “Are you serious about that Trish?” 

“Haha! Joke lang Zaldy ano ka ba? Pero honestly, na-miss talaga kita Zaldy”

Sinabi niya yun nang saktong makarating na kami sa studio. Di ko na sinagot ang mga sinabi niya. Pero bakit parang makahulugan ang pagkakasabi niyang yun?

Mia’s pov

It’s already 9 in the morning pero ang lamig pa rin. I can really feel the Christmas! December na kasi and I’m so happy na makakasama ko si Zaldy ngayong Christmas. After 10 years.

Andito pa rin ako sa kwarto habang binabasa ng paulit ulit ang sulat ni Zaldy para saken. Yapos yapos ko ang unan ko habang tinititigan ko ang katabi kong rose na bigay din niya.

I think I’m so much inlove with him. And I never expect na ma-iinlove ako ng ganito sa kanya. ^__^

Dingdong…

So sino naman kayang tao?

“Anak pinabababa ka ng mama mo. May bisita ka daw”

“Sino daw po yun yaya?”

“Di ko kilala eh. Basta medyo singkit at maputi”

“Singkit na maputi?” Di kaya si Patrick yun?

“Osige yaya bababa na ako. Mag-aayos lang ako dito saglit. Susunod na po ako pakisabi kay mama”

Dali dali na akong bumaba para tingnan kung sino. “Pat? So what are you doing here?”

Infairness ha ang laki na talaga ng ipinagbago niya. Ang porma na kasi niya. Naka-shorts at polo shirt lang siya. Pero simpleng gayak lang pero mapapa-wow ka naman dahil sa kagwapuhan niya.

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon