Mia's pov
Nagpunta na muna kami ni Patrick sa isang resto para kumain.
“So Mia where do you want to go now?”
“Pat naman. I told you not to call me Mia right? Hindi na ako si Mia ngayon. Ang kulit mo pa rin talaga”
“Haha. Sorry na. I just prefer to call you Mia. It’s more than comfortable with me kung tatawagin kita sa dati mong pangalan. Mas gusto ko pa rin kasi ang dating Mia eh. Yung walang galit na itinatago sa puso niya”
Napatingin ako bigla sa sinabi ni Pat. Nakakainis siya. Ipaalala ba naman saken yun? Tss.
Oo. Alam ni Patrick ang nangyari saken 3 years ago. At ewan ko nga ba? For all the people na pwede kong pagsabihan siya pa talaga ang kaisa-isang taong napagkwentuhan ko. Weird. =__=
“Don’t you still get over him?” seryosong tanong niya. Aissh! I hate his question.
“I already moved on. Hindi ko na siya mahal”
“You’re lying”
“No I’m not!”
“Then be my girlfriend…” nagitla ako sa tanong niya. All this time kasi ang tiyaga pa rin ni Patrick sa panliligaw saken. Kahit na ilang ulit ko na siyang ni-reject di pa rin siya sumusuko saken.
Actually lagi ko nga yung tinatanong sa sarili ko eh. Bakit nga ba hindi na lang si Patrick ang minahal ko? And to think na mas matagal ang pinagsamahn namin ni Patrick compare to Zaldy.
“Pat. Ilang beses na natin napag-usapan toh di ba? Di ka pa rin ba nagsasawa?”
“Until you admit that you still love him…”
Ha? Ayaw ko nga! At kung mahal ko pa man siya ngayon. Akin na lang yun. Ayaw ko na kasing isipin ng iba na sa kanya lang umiikot ang mundo ko eh.
Actually, I also feel regret at some point sa pag-alis ko sa pilipinas dahil lang sa nasawi ako sa pag-ibig. Okay, I know na ako na ang desperada at talunan dahil bigla na lang ako nag-empake palipad papunta dito sa Korea.
Pero masisisi niyo ba ako? Nasaktan ako. And you don’t’ know how much it hurts na makita ang mahal mo na may ibang babaeng kasama sa kama. SOBRANG SAKIT NUN!
“Hay naku Patrick tigil tigilan mo nga ako. Hindi ko na nga sabi mahal yun eh”
“Kung ganun bakit ba kasi di mo pa ako sagutin Mia? Eh di hamak na mas bagay naman tayo kesa sa Zaldy na yun”
Di kasi natuturuan ng ganun ganun na lang Pat ang puso. Haaaay.
“OMG! geugeos-eun paeteulig oppa ui” (It’s Patrick oppa!)
Biglang may sumigaw na isang babae. And as usual. Fan ni Patrick yun.
“geuligo jin unnie!” (It’s Jean unnie!)
And this time fan ko naman yung sumigaw. Haha.
“geudeul-eun seolo jeongmal wanbyeog!” (They are really perfect to each other!)
Rinig kong sigawan na ang mga tao. Ibang iba na talaga ang buhay ko ngayon. Ang dami ko ng fans eh. HAHA.
Naglalakad lang kasi kami ngayon ni Patrick dito sa labas eh kaya madali nila kaming napansin.
“See? Sabi sa’yo bagay talaga tayo eh. (^^,)” bulong saken ni Pat
At naglapitan na samen ang mga fans. Okay ang dami nila! Dumugin ba naman kami bigla? Haha. Pero actually okay lang saken. Coz I love my fans! ^__^
BINABASA MO ANG
His FAKE Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula ang lahat sa isang gamitan...***Zaldy asked Mia to pretend as His FAKE Girlfriend. Bakit? Simple lang. Dahil gusto niyang mapagselos ang ex niya para lang bumalik ito sa kanya. Pero paano na lang kaya kung mauwi sa totohanan ang pagpapangg...