Chapter 25

10K 135 34
                                    

Mia's pov

Natapos na ang first performance namin. At pinilit kong wag ma-destruct sa presence ni Zaldy. And so far, naging okay naman ang lahat. Because tonight, professionalism is more important. And because of that, nagawa kong balewalain ang mga destruction sa paligid ko sa mga nagging bawat performances namin.

At grabe ang daming tao sobra! Pero okay lang. It’s really flattering naman eh coz we all feel welcomed. Ang mga hiyawan ng mga fans ang lalong nagpasaya sa gabi namin. Dahil dun lalo kaming ginanahang mag-perform. Our performance tonight was really awesome and memorable because it is our first time to be here in Araneta. And it's really a dream come true. ^__^

Ang saya ko din dahil pinapanood ako ng mga number one supporters ko.

Sina mama at papa ko. Si ate Kaye siyempre na kasama naman ang mga friends niya. Ang mga bestfriend kong sina Shin at Gayle na-miss ko ng sobra!

Pati na rin ang napakakulit na si Patrick na sumunod pa talaga saken dito sa pinas. Haha. Baliw na talaga ang isang yun saken! Haha.

And also the group of Cody. Ang galing ng mata ko noh? Nakita ko silang lahat. HAHA. And I also saw Tricia with Zaldy. So nagkabalikan na nga pala sila? Psh. Eh di magsama sila! Pakealam ko ba sa kanilang dalwa.

Papunta na sana kami sa dressing room para magpahinga. Pero as usual, madami pa ring press people na sumusunod.

T___T

Hay! I wanna rest!

“Miss Jean, hanggang kelan ba kayo dito sa Philippines?”

"I'm not really sure but I guess one week? But it still depends on our manager."

“Sino ang pinaka-close mo sa group Dayne?”

"Lahat naman kami close eh. Siyempre sisters kami dito eh."

“Malapit na pala ang birthday mo Miles so saan mo balak mag-celebrate? Do you like to celebrate here in manila?"

"Of course. Why not di ba? Pero hopefully abutin ang stay namin dito sa birthday ko. Well. Sana. Hehe."

Ibang klase din talaga ang mga reporters noh? Basta na lang talaga may maitanong? Haha. At talagang kinorner pa nila kami isa isa ha! Lahat sila interesadong interviewhin kami.

Kanya-kanyang tanong at sagot lang lang kami sa kanila. At grabe! Sumasakit na ata ang ulo ko kasasagot sa mga tanong nila! I think I feel dizzy!

@___@

“Hmm. How true na nagparetoke ka daw Kyla ng dibdib para mapansin ka daw lalo ng mga boys? So what can you say about that?”



HAHAHA.



Nagkatinginan kami bigla ng mga sis ko dahil sa tanong na yun kay Kyla. At sabay-sabay  lang kaming nagkatawanan. Eh kasi naman kabog na kabog ang tanong na yun kay baby sis eh! HAHA. Winner na winner! HAHAHA.

Tiningnan tuloy kami ng masama ni baby sis. Hayan na nga at napikon na ata. Haha!

"Hm. About that? Walang katotohanan yun ano ba kayo? Haha. Kontento na ako sa anong meron ako. Hindi ko na kailangang magparetoke noh."

Nice one Kyla. Pang artista talaga ang mga sagot! Haha. At bigla namang may lumapit na isang guard saken at binulungan ako.

"Ma'am may gusto pong kumausap senyo. Kaibigan daw po ninyo sila." Kaibigan? Di kaya sina Gayle na yun?

"Huh? Sino daw po sila kuya?"

"Gayle daw po ang pangalan nung isa eh. Pero marami pa po silang kasama."

His FAKE Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon