Prologue

3.1K 97 6
                                    

Heides Gabrielle Sandoval

Mayaman
Gwapo
Hot
Sikat
Arogante
Mayabang

Braidel Krish Sandiego

Simple
Maganda
Matalino
Mabait
Binubully sa school

Braidel's POV

Yan ang mga katangian naming dalawa ng Heides na yan. Maganda ako (May angal?) at Gwapo siya (Eew).
Simple lang ang pamumuhay ko. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ang aking mga kailangan pero hindi ko kayang bilhin ang mga mamahalin. Hindi naman kasi ako mayaman. Di katulad ng aroganteng Heides na yan. Napakayaman niya. May kotse at lahat ng luho ay nasa kaniya na. In short, LANGIT siya at LUPA ako. So what? Ginagamit lang naman ang mga linyang yan kapag mahirap ka tapos mayaman ang mahal mo. Eh di ko naman gusto si Heides no! Gustong masapak, pwede pa.

Simula kasi nang nakilala ko siya, gumulo na ang buhay ko. Nakakainis! Samu't saring pasa ang lagi kong nakukuha kapag lumalapit siya sa akin. Eh wala naman siyang ibang ginawa kundi ang laitin ako tapos yung mga fangirls niya todo away sakin. As if namang maiinlove ako sa lalaking yun no! Never. AS IN NEVER!

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon