"Anak, iaarrange marriage ka namin ng dad mo."
"WHAT? MOM ARE YOU TWO OUT OF YOUR MIND?"
"No, anak. You need to be married or at least be engaged. Kailangan yun para sa kumpanya anak."
"But dad—"
"No buts, braidel."
Nanlulumo akong umupo. Jusko. Bakit kailangan ko na agad maengage? Ang dami ko pang pangarap na gawin. Ano ba yan T__T
"Mag-ayos ka. Ngayon mo na makikilala ang magiging fiance mo." I nodded. Wala naman akong magagawa eh. Tss.
Nagsuot ako ng red off-shoulder dress. Nagmake up nang light and I'm done. Papahatid daw ako sa driver. Alam na daw kasi nito kung san kami magkikita ng magiging asawa ko. Sana matuwa ako.
3pm ako umalis nang bahay at 7:00 pm na nang dumating kami sa aming destinasyon. Boracay. Nasa boracay kami. Geez. Memories. Lakad lang ako nang lakad pero wala akong makita. Umpisa palang, hindi na ako natutuwa sa magiging fiance ko. Napunta ako sa may gilid ng dagat. Nakakarelax. Napansin kong walang tao dito ngayon. Bakit naman? Pinareserve siguro ito para sa amin.
"Lights, Camera, Action!"
May biglang sumigaw. Nilingon ko ito at laking gulat ko na may mga camera na. Sila Venus, Ivan at Jaycee pa ang nagcocontrol. Nagtaka ako. Anong ginagawa nila dito?
"Braidel.." Nabigla ako sa tumawag sakin. Si Heides. Kaunti na lang, magkikiss na kami. Damn. Puso ko nagtatambol. Dumistansya ako nang kaunti sakaniya.
"B-bakit ka nandito?" Oh no. I'm stuttering.
"Para kausapin ka at ayusin ang lahat sa atin."
"Wala na tayong pag-uusapan pa, Heides. Matagal na tayong tapos."
"Please Braidel, let's fix this. Let me explain."
"Ano pang ieexplain mo? Eh diba kasal ka na? Lumayo ka sakin."
"Hindi ko tinuloy ang kasal, braidel." Napaawang ang labi ko. Hindi siya nagpakasal? Ibig sabihin ba nun...No, braidel. Don't assume.
"Wag mo akong lokohin."
"Hindi kita niloloko! Si mom, she dies two years ago because of breast cancer. Before she died and after we broke up, sinuway ko siya. Hindi ko siya pinakasalan. Nagalit si mom sakin pero pinarealize ko sakaniya na mahal kita kaya hindi ako magpapakasal kahit na anong gawin niya." Pigilan mo ang nga luha mo, braidel.
"A-at bakit kung kailan tapos na tayo, saka mo lang ako pinaglaban?"
"DAHIL BINANTAAN NIYA AKO, BRAIDEL! SABI NIYA, MAPAPAHAMAK ANG PAMILYA MO KUNG HINDI KO SIYA SUSUNDIN. Akala mo ba ikaw lang ang nahirapan? Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan? AKO DIN! Hindi lang ikaw ang lumuha. Umiyak din ako nang umiyak dahil ang duwag ko! At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita." Wala na. Lumabas na ang mga traydor kong luha.
Kahit di ko aminin, mahal ko parin siya. Nasasaktan parin ako. Pero ngayong nalaman ko ang katotohanan, parang nabunutan ako ng tinik. Gusto kong matuwa at magdiwang dahil mahal niya padin pala ako. Biglang nakaroon ng tugtog.
[Now playing: Walang iba]
Hinawakan niya ang kamay ko. Sa pagkakataong ito, hindi na ako pumalag. Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan mo uli ang kamay ng mahal mo.
"At ngayon, tatanungin kita, mahal mo pa ba ako?"
*dug dug dug*
"Oo, mahal na mahal pa kita." At doon, nagyakapan kami. Mahigpit na parang ayaw na pakawalan ang isa't isa.
"CUT!"
"Anong pakulo ito?" Natatawang tanong ko kay Heides.
"Naaalala mo pa ba yung love story film natin? Yung lugar na to? Dito kita sinimulang mahalin. At dito din tayo magsisimula ulit." Pagkasabi niya nun, lumabas sina mama, papa, Wade, mom and dad pati si Kyle. Oh my gosh. What's happening? Lumuhod siya sa harapan ko.
"Braidel Krish Sandiego, can you be my wife?" Then I remembered something.
"E-eh may magiging fiance na ako." He laughed.
"Anak! Si Heides ang magiging fiance mo! Kinuntsaba kami niyan eh! Sagutin mo na!" Sigaw ni mom.
How?"They forgot to tell you. Ninang and ninong ko ang mom and dad mo. So Braidel, can you answer my question?" Really? Small world. I sighd and smile.
"YES!"
"Talaga?" I nodded and he kissed me. Gumanti ako. Mga 5 seconds din ang itinagal nun. Nakakahiya tuloy sakanila.
"MAGIGING WIFE KO NA SI BRAIDEL! WHOOO!" Sigaw ni Heides na ikinatawa ko. Sila naman, nagtatatalon sa tuwa.
"I love you, braidel. Walang nagbago dun."
"I love you too, heides. Wala ring nagbago dun."
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Novela JuvenilTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!