Heides' POV
Dalawang linggo na ang nakalilipas. Basketball game namin ngayon. Champion kami last year kaya dapat champion pa din ngayong year. Nilibot ko ang paningin ko sa mga audience at hindi ako nabigo dahil nakita ko si Braidel na manonood samin. Yes! Nandito ang inspirasyon ko.
Nagstart na ang laban. Sa amin ang unang bola kaya umarangkada agad ako at ishinoot ito. Score! Sumilip ako kay Braidel na tuwang tuwa. Para bang sinasabi niya na 'Proud girlfriend here!'
Mas ginalingan ko pa at ng grupo namin kaya tambak ang kalaban hanggang 3rd set. 75-60 ang score. Nagpito ang referee hudyat ng Time out. Lumapit kami kay coach.
"Okay. Good job guys! Ipagpatuloy niyo yan, lalo ka na Heides. Go Evergreen Academy!" Bumalik kaming lahat sa court at nagsimula ulit ang laban. Fourth Set na.
Akin ulit ang bola kaso nang napatingin ako sa kinauupuan ni Braidel, wala na siya. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya at hindi namalayang naagaw na saakin ng bola. Tuloy tuloy silang nakapuntos. 80-75 na ang score. Lima na lang ang lamang namin kaya nagpatime out ulit si si coach.
"What is happening to you, Heides? Nawawala ang focus mo sa game."
"I'm sorry sir."
"Okay. I think, you need to rest." Pumunta ako sa pinagpapalitan namin ng damit. Nasaan na ba yun? Wala tuloy akong lakas. Di kasi siya nanonood eh.
Braidel's POV
3rd set na ng laban nila Heides. Grabe! Ang galing ng honey ko! Nang nagtime out na, biglang dumating si Kyle at hinila ako sa kung saan.
"Bakit kyle? Nanonood pa ako eh."
"I'm sorry, braidel."
"Huh? For what?"
"Kung iniiwasan kita. Ayoko na kasing masaktan. Nalaman kong kayo na ni Heides at masakit sakin iyon dahil gusto kita." Napanganga ako. Gusto niya ako? "Pero nakita kong masaya ka kay Heides kaya ayokong manggulo pa. Pipigilan ko ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong mawala ang friendship natin. Just let me moved on." He smiled bitterly. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Thank you, Kyle sa pag-intindi and I'm sorry kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sakin. Kaibigan pa rin naman kita kahit papaano. Bat kasi sakin ka pa nagkagusto eh." Napaiyak na lang ako. Ang babaw ko talaga kahit kailan.
"Hindi ko nga rin alam eh. Sshh... Wag ka nang umiyak. Alam mo, sa states na ako mag-aaral. Kinukuha na kasi ako ni dad." Mas lalo akong naiyak.
"Ang daya mo naman kyle eh!"
"Babalik naman ako pag nagtapos na ako. Sige na, manood ka na dun. Baka nagtampo na saiyo si Heides." Oo nga! Hala!
"O sige, basta wag mo kaming kakalimutan ah?"
"Oo ba!"
"Bye." At tumakbo na ako. 4th set na pala.
"Venus, kamusta?"
"Nawala sa focus si Heides. Siguro dahil nawala ka." Oh no. Bigla akong naguilty. Nilabas ko ang banner na ginawa ko. Shit. Nakakahiya. Sana lumabas siya. At hindi nga ako nagkamali. Lumabas siya pero nakayuko ito. Agad kong binuklat ang banner ko. Salamat at nakita niya iyon. Umaliwalas ang mukha niya. Naglaro siya ulit. 30 seconds na lang ang natitira at ang score ay 89-91.
Kinuha ni heides ang bola ang nagdribble. Kailanga niyang maka3 points para manalo sila kaya bilang girlfriend niya, sumigaw ako.
"GO HEIDES! KAYA MO YAN! I LOVE YOU!" Yan din ang nakasulat sa banner ko. Wala na akong pake kung anong magiging reaksyon ng iba.
3 seconds.
Tumalon siya at nagshoot.
2 seconds.
And boom! 3 points!
Nagsisitalon ang mga taga-Evergreen dahil sa saya. MVP din si Heides. Pumunta agad si Heides sa lugar namin. Medyo malapit kasi ito sa court.
"Akala ko, umalis ka na."
"Pwede ba yun? Laro to ng honey ko. Siyempre di ko papalagpasin. Nag-usap lang kami ni kyle. Sabi niya, may gusto daw siya sakin pero dahil mahal kita, magpaparaya na daw siya. Pupunta siya sa states para doon na mag-aral." Nagyakapan kami.
"Buti, bumalik ka. Dahil kung hindi, baka umiyak na ako."
"Huh? OA mo kung ganun."
"OA na kung OA. Ganun ka kahalaga sakin." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Damn.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Dla nastolatkówTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!