Chapter 8

1.1K 58 0
                                        

"Really, braidel? Nakabingwit ka ng gwapo kahapon?"

"Baliw. Friend lang."

"Dun din punta dun."

"Whatever." Kumakain kami ngayon sa cafeteria.

"KYAAAAAH!" Tilian ng mga babae. Akala ko sina Heides yung tinitilian nila. Yun pala, si Kyle. Dito din siya nag-aaral? Lumapit siya sa pwesto namin nang nakangiti.

"Venus, siya yun."

"WHAT? OMG! Ang gwapo nga!" Kinilig naman ang bruha. Baliw as ever.

"Can I sit with you?"

"Sure pogi!" Tumawa si Kyle. Umorder narin siya ng pagkain niya kaya sabay sabay kaming naglalunch.

"Di mo naman sinabi sakin na dito ka nag-aaral."

"Ikaw din naman eh." Oo nga no?Nagkibit balikat na lang ako.

Nagring ang bell kaya bumalik na kami sa kanya kanyang klase. 1- C pala siya. Halos magkasabay lang kami pumasok ng prof. namin.

"Okay guys, may nagtransfer sa section niyo." Nagsimula ang bulung-bulungan. Sinensyasan ng prof. ang transferee ng section.

"KYAAAAAAH!"

O_____O

Totoo ba to?

"Hi guys! I'm Kyle Fernandez. Nice to meet you!" Muling nagtilian ang mga babae. Bakante ang nasa left side ko dahil ayaw nila akong makatabi. As if namang gusto ko?

"You may sit beside Ms. Sandiego." Abot tengang ngiti ang pinakawalan niya.

"Hi Braidel!" Bati niya sakin tapos umupo.

"Ikaw ah, pano ka nagtransfer dito?"

"Ewan ko. Sabi lang ng adviser namin kanina na lilipat na ako ng section." I nodded. Woah. So ibig sabihin, matalino din ang isang to. Nakinig ako nang maigi sa prof.

Bla bla bla bla.

"Class dismissed." Yahoo! Uwian na!

Nagligpit kami ng mga gamit. We decided na magsabay na kaming tatlo since di naman ganun kalalayo ang distansya ng mga bahay namin. Nasa gate na kami nang makita ko si Heides.

"Wait lang guys ah. May pupuntahan lang ako." Paalam ko saka lumapit kay hudas este Heides.

"Heides!"

"Oh bakit?"

"Thank you."

"For?"

"For carrying me and bringing me to the clinic." Masigla kong sabi.

"Anong thank you? May bayad yun."

"Huh? Ano naman?" I raised my eyebrow.

"Be my girlfriend." Wait... Loading...

10 %

60%

100%

"ANO?!" Tumawa siya nang malakas.

"Hahaha! Siyempre joke lang. Asa ka naman na papatol ako sayo. Hahaha! Walang bayad yun. Naging mabait lang ako nun pero di ibig sabihin na magiging mabait na ako sayo lagi."

"Hmp! Pero thank you pa din."

"You're welcome!" At umalis na siya.

Napangiti ako. Kahit naman pala papaano, may tinatago ding bait tong si Hudas.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon