Chapter 29

879 45 0
                                    

Braidel's POV

"Anak! Nandito na si Heides!" Bumaba na ako at nandun na nga siya. Aalis kasi kami ngayon. Magmamall daw.

"Alis na po kami, ma!"

"Bye tita! Bye Wade!"

Nagwave kami kila mama at lumabas na. Sumakay kami sa kotse. Pinaandar niya ito. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa mall.

"Timezone tayo!"

"Sige." Napakunot ang noo ko sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. May sakit ba siya?

Marami kaming nilaro. Napansin kong napakatahimik niya kahit naglalaro. Kaya I decided to ask him.

"May problema ka ba?"

"W-wala." I think he's lying.

"Wala pero ang tahimik mo dyan. Magsine na lang tayo." Hinila ko siya papuntang sinehan. Bumili kami ng ticket para sa palabas na Beauty and the Bestie.

Tawa ako nang tawa pero tong katabi ko, ang lalim ng iniisip. Hindi ko nalang siya pinansin dahil kapag tinanong ko pa siya, paniguradong WALA ang isasagot niya. Natapos ang palabas na hindi siya nagsasalita. Kumain kami sa isang fast food. Doon, hindi ko na maatim na hindi siya tanungin.

"Tell me, ano ba talagang problema mo? Or kung wala, anong iniisip mo?"

"Wala nga."

"Wala pero kanina ka pa hindi nagsasalita. Wag kang maglilihim sakin kundi masasapok kita."  He sighed.

"Don't worry about me 'ney. I'm fine." Ako naman ang bumuntong hininga. Ayoko na siyang kulitin.

Umuwi na kami at dahil narin sa pagod na nararamdaman ko, natulog ako.

Heides' POV

Ayokong maglihim kay Braidel pero ayoko siya saktan. Kaso kahit naman hindi ko sabihin sakaniya na iaarrange marriage ako ni mom, masasaktan din naman siya. Haist! I hate myself. Wala akong magawa. Hindi ko siya mapaglaban.

Sinilip ko siya sa salamin. Nasa backseat kasi siya, she's sleeping. Naisipan kong sa bahay na lang siya patulugin hanggang bukas. Makasama ko man lang siya at maipadama sakaniya na mahal na mahal ko siya. Pagdating namin sa bahay, I carried her and bring to my room. She's an angel.

I dialed her mother's contact number. Nagpaalam ako na dito na muna si Braidel dahil nakatulog siya. Hahatid ko na lang siya bukas kaya pumayag naman si tita. I sat beside her. Hinaplos ko ang kaniyang magandang mukha. I kissed her forehead.

"Don't forget that I will always love you no matter what happens."

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon