Braidel's POV
Saturday ngayon. May class ang lahat ng estudyante at higit sa lahat, nakacivillian. Sinuot ko ng binili ni papa sakin na t-shirt at jeans. na tinernuhan ko ng sneakers. Sensya na, walang kaalam alam sa fashion.
"Eew, look at her clothes. Mukhang binili pa yata sa ukay ukay."
"Mahirap talaga. Psh!"
Ako ba yung pinariringgan nila? Kasi kung ako, baka sinabunutan ko na sila. Aish! Kalma Braidel. Kalma.
"Braideeeel!"
Lumapit siya sakin nang hingal na hingal.
"Oh bakit?"
"May papakita ako sayo, bilis!" Tapos kinaladkad niya ako papunta sa may bulletin board. Ang daming nagkukumpulang mga tao. Ano namang pinagkakaguluhan nila dito?
Nakipagsiksikan kami hanggang sa tuluyan naming nakita ang mga nakadikit sa board. Isang malaking PUTA. Pinagtatanggal tanggal ko ang mga papel na may nakasulat na 'Mahirap si Braidel Krish Sandiego'. Puro yan yung mga nakasulat. Peste! Alam ko na kung sinong may kagagawan nito.
"San ka pupunta?!"
"Sa impyerno!"
Naabutan ko ang demonyong Heides na yan na nag-aayos ng locker niya.
"WALA KA NA BANG MATINONG GAGAWIN?!"
"Nakita mo na pala." Ngumiti pa siya.
"Ano bang problema mo ha?! Napakamo naman! Aish! Nakakaasar ka!" Bigla niya akong hinila kaya napasandal ako sa pader. Kinulong niya ako sa dalawa niyang kamay at inilapit ang mukha niya sakin. Anong gagawin niya? Kinakabahan tuloy ako.
"Tama lang yun sayo. Quits na tayo." At iniwan niya akong nakatulala. Bwisit!
"DEVIL!" Sigaw ko habang naglalakad siya palayo sa sakin.
Nang nakarecover na ako, hinanap ko si Venus. Iniwan ko kasi siya kanina dahil sa sobrang inis ko.
"Uy scholar!"
"Bitch!"
"Poorita!"
Iba't ibang tawag ng mga babae. Lumingon ako at nakita ko silang nakapameywang with matching nagsisitaasan pang mga kilay. Sila yung mga tinulungan kong hanapin si Heides.
"Bakit?!" Iritable kong tanong. Nakakaasar kaya yung mga tawag nila sakin. Hindi nila ako sinagot at pinagbabato ng mga itlog. Ang sakit, shit.
Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Halo halong inis, galit at lungkot ng nararamdaman ko. Sino ba sila para husgahan ako?
"Yan ang bagay sayo! Malandi ka! Inaagaw mo samin si Heides!" Huh? Kailan pa? Nanghihina na ako.
Langya. Wala na bang mas ikamamalas ang araw na to para sakin? Unti unti nang nanlabo ang paningin ko. Then nagdilim na lahat.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Подростковая литератураTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!
