"Script niyo."
"Thanks kyle!" Then binasa ko ang script. Hmmm okay naman pala.
Seconds passed nang dumating ang aming prof. Siya yung nagbigay ng project na love story film.
"I have a good news for you. Your section won't have any classes for 3 weeks." Nagsigawan ang buong section. Ang swerte naman namin! "But you will use those days for your film making. I asked the dean and he agreed. I am expecting for the best films. Enjoy!"
Halos magparty na kami sa classroom dahil sa saya. Ikaw ba naman, bigyan ng 3 weeks na walang klase? Sinong hindi matutuwa, aber?
Since last subject namin siya ngayon, diretso uwi na kami.
"Braidel, Hindi ako makakasabay sainyo ni Kyle. May pupuntahan pa kasi ako. See you na lang tomorrow!" Paalam ni Venus.
"Okay." Sabi naman namin.
"Ang aga pa para umuwi. Date tayo?"
"Date?"
"Friendly date! Tara!" Akala ko na kung ano na. Nag-assume ako dun ah.
Pumunta kami sa cafe kung saan kami nagkakilala ni Venus. Siya na daw ang bahala sa pagkain kaya hinayaan ko siya. Pagbalik niya, may dala dala na siyang dalawang juice dalawang cafe at dalawang pasta.
"Ang dami naman niyan."
"Tama lang yan. Nagugutom na ako eh." Baliw. Nakaramdam din ako ng gutom kaya sinunggaban ko na ang pagkain.
"Dahan dahan. Mabulunan ka." Nagdilang anghel si Kyle. *cough* *cough* "Sabi ko sayo, dahan dahan lang." Inabutan niya ako ng tubig. Agad naman akong uminom.
"Padami dami ka pa dyan, ang takaw mo naman pala." Sinamaan ko siya ng tingin. At tinawanan lang ako. Bigla naman siyang natahimik habang nakatingin sakin. Naconscious tuloy ako bigla.
"May dumi ba ako sa mukha?"
"Actually, meron."
"Ha? Saan?" Pinunasan ko ang mukha ko.
"Ako na." Inilapit niya ang thumb niya malapit sa bibig ko. Grabe. Nagbablush ako. Nakakahiya naman.
"Ehem." Napalingon ako sa nagsalita. Bakit nandito yan?
"Bakit Heides?"
"Pinapaalala sainyo ni Ivan na bukas tayo aalis papunta sa boracay."
"Ah yun lang ba? Sige makakalis ka na."
"Tss." Then umalis na siya. May phone naman pero pinuntahan niya pa kami dito. Weird.
Troy's POV
Aish! Bakit ko ba sila sinundan? Minsan talaga, hindi ko na kilala ang sarili ko. Ano bang nangyayari sakin?
Totoong kanina pa nagpapaalala si Ivan na bukas ang alis namin pero hindi niya pinapasabi sakin yun. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakaramdam ako ng inis nung nakita ko sila ni Kyle na naglalandian. Siguro dahil hindi talaga bagay si Braidel sa mga mayayaman na katulad namin.
Aish! Pati sarili ko, hindi ko sinasang-ayunan. What the hell is happening to me?!
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Fiksi RemajaTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!
