Nandito na kami ngayon sa malapalasyong bahay nila Heides. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.
"Hey, relax." Ngumiti nalang ako. Hindi ko maitago ang kabang nararamdaman ko.
Maya maya pa, dumating na ang parents niya. Yung Dad niya, mukhang mabait pero yung Mom niya, mukhang masungit. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
"So, you're the girl of my son?" Tanong ng Dad niya.
"Uhmm..Yes po."
"Anong trabaho ng parents mo?" Tanong naman ng mom niya.
"Si mama po, assistant chef at si papa po, nasa new york po."
"So wala kayong company?"
"Wala po."
"Nagbabayad ka ba ng tuition fee sa school niyo?"
"Mom!" Suway ni Heides. Grabe naman ang mga tanong ng mom niya sakin.
"Why? I'm asking her, son."
"Scholar po." Mas lalong naging mataray ang mom niya. Bakit feeling ko, ayaw niya sakin? Okay naman ang dad niya eh.
After 15 minutes, we finished eating. Nagpaalam na rin ako sakanila.
"Aalis na po ako. Salamat po." Ngumiti sakin ang dad niya.
"Bye, iha! Ingat kayo." Ang taray pa din ng mom niya. Hindi nagsasalita. Inihatid ako ni Heides sa bahay.
"Sorry sa mom ko. Makilatis kasi siya." Sabi niya.
"No. It's okay." I kissed him at pumasok na sa bahay. Kahit sa totoo lang, hindi ako okay. Natatakot ako na baka di ako nagustuhan ng mom niya dahil malayo ang agwat namin sa isa't isa.
Heides' POV
Kakabalik ko lang ng bahay. Sinalubong agad ako ni mom.
"Yun ba ang girlfriend mo?"
"Yes mom. Why?" Ito na naman. Magbabangayan na naman kami.
"I don't like her. Mahirap siya. Dapat ang maging girlfriend mo ay mayaman at may kumpanya! Hindi pwede sakin ang scholar lang, Heides." Pinipigilan kong magalit pero hindi ko ata kaya.
"Ano naman kung scholar lang siya? Ano naman kung wala silang kumpanya? Mahal ko siya mom!"
"Love is not enough! Kailangan din ang future. Sa ayaw mo at sa hindi, I will fix an arrange marriage for you! Hiwalayan mo ang babaeng yun!" Napayukom ako ng kamao. Lagi na lang siyang nasusunod. Hindi ko kayang saktan si Braidel. Hindi ko kayang mawala siya sakin.
"NO MOM! I will not leave her!"
"You won't do what I want? Kilala mo ako Heides. Kung ayaw mong hiwalayan ang babaeng yun, masasaktan pati pamilya niya." Pagkasabi niya nun, umalis na siya.
Napaluhod na lang ako at umiyak. Hindi ko kayang hiwalayan si Braidel. Pero kung hindi ko gagawin yun, mapapahamak siya at ang pamilya niya. I really cursed my mom for this.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!