Heides' POV
"Dude, may concert daw si Braidel dito ah?" Sabi ni Jaycee.
"Meron nga."
"Aattend ka?" Tanong naman ni Ivan.
"Papalagpasin niya ba yun?" At nag-apir pa silang dalawa. Ininom ko nalang ang wine ko. Limang taon na din ang lumipas, pero mahal na mahal ko pa rin siya.
Namatay si mom 2 years ago dahil sa breast cancer. Nagluksa kami noon nila dad pero bumangon muli. Wala namang mangyayari kung tutunganga lang kami. Hindi ako nagpakasal kay Antonette, ang inarrange marriage ni mom sakin. Sinuway ko sila dahil narealize kong may paraan pa para matama ang lahat. Yun ay ang hindi pagpapakasal sa iba. Sa ngayon, ako na ang namamahala ng company namin. Malago naman ito.
Walang araw na hindi ko inisip si Braidel. Lagi ko siyang iniistalk sa instagram. Updated ako lagi sakaniya. Nahanap niya na din daw ang mga tunay niyang mga magulang, ayon kay Tita Louisita. Dinadalaw ko kasi sila Wade at kinakamusta sila. Maluwag naman ang pagtanggap nila sakin kahit nasaktan ko ang tinuring nilang tunay na anak. Nalaman ko na sina ninong at ninang pala ang mga biological parents niya kaya kahit nagulat, mas naging masaya ako. Masaya rin ako na kahit malaki na ang pinagbago ng pamumuhay niya, nakakasiguro akong siya parin ang braidel na kakilala ko. May concert nga siya at mamaya na yun. Siyempre VIP ang binili ko. Makikita na ulit kita, honey ko.
Braidel's POV
"KYAAAAAH! BRAIDEL VILLANUEVA, WE LOVE YOU!"
"PA-AUTOGRAPH!"
Nagsmasmile na lang ako sakanila. Kanina pa nila ako dinudumog T__T Kung wala siguro akong security guards, durog na ako dito kanina pa. Shet na malagket. Bakit kasi hindi sumama si Kyle eh.
Napahinga ako nang maluwag nang nakasakay na kami sa kotse. Nirequest ko kay dad na daanan ko sina mama bago pumunta sa dati nilang bahay.
"MA! PA! WADE!" Agad ko silang niyakap pagkapasok ko ng bahay nila. Hindi ko na isinama sina Dad dahil pagod din ang mga yun. Grabe. Miss na miss ko na sila.
"Mas lalo kang gumanda, anak."
"At sikat pa! Diba ate?"
"Kayo naman po, wag na kayong mambola." At tumawa kami.
"Asan sina Mommy mo?"
"Pinauna ko na po. Pagod na yun."
"Ganun ba? Sige, anak. Kain ka na."
"Sorry po ma. Next time na lang. May concert po ako ngayon at kailangan ko pong magrehearse. Sa katunayan, kailangan ko na pong unalis. Babawi na lang po ako sainyo."
"Okay lang nak. Alam naman naming busy ka eh. Sige, nak. Ingat ka."
"Bye ate kong maganda!"
"Bye ma! Bye pa! Bye wade kong pogi!" At umalis na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/73988793-288-k66296.jpg)
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Ficção AdolescenteTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!