Nasa mall kami ngayon ng pamilya. Naglaro, kumain at namili ng ilang gamit. Sweldo kasi ni mama at regalo na daw nila sakin bilang top 1 ako. Oo nga pala, hindi ko pa nasabi ang trabaho ng mga magulang ko. Si papa, empleyado sa isang kumpanya. Si mama naman, assistant cook sa isang fast food. Kaya hindi kami totally mahirap! Grabe naman sila. Mga judgemental.
"Kamusta ang school, anak?"
"Okay naman po pa."
Ilang minuto ang nakalipas at nakauwi na din kami. Umakyat kami ni Wade para magpalit ng pambahay. Ginawa ko na ang mga assignments ko kaso nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako. Hindi ko sadyang narinig ang usapan nina papa at mama.
"Kailan mo sasabihin sa mga bata?"
"Hindi ko alam. Natatakot akong iwan sila."
"Kailangan ba kasing umalis ka ng bansa?"
"Wala na akong magagawa, ma. Kahit ayoko, kailangan."
"Ano pa? Aalis ka?" May lungkot sa boses ko.
"Kailangan kasi, nak. Nagsara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Paano na tayo? Paano na kayo? Kung hindi ako maghahanap buhay?"
"Pa naman. Kaya nga ako nagscholar para makabawas man lang sa gastusin niyo. Tapos aalis ka pa? San ka po pupunta?"
"Pasensya na anak. Ayaw ko pero para sainyo naman to. Sa New york ako pupunta. Magbabakasakali."
"Ang layo naman pa. Kailan po alis niyo?"
"Bukas."
"ANO?!" Wala na. Umiyak na ako. Kasi naman, ngayon lang malalayo samin si papa. Parang di ko kakayaning makita ang pamilyang ito nang kulang ng miyembro.
"Sorry anak. Di ko nasabi sainyo."
"Papa naman! Bakit pabigla bigla?! Nakakainis ka naman pa eh!" Sabi ko habang umiiyak.
"Sorry talaga anak." Tumakbo ako papalabas ng bahay. Dinala ako ng aking mga paa sa plaza. Doon ako umiyak nang umiyak.
Alam ko namang para sa kinabukasan namin ang gagawin ni papa pero sana isang linggo bago ang alis niya sinabi samin. Ang sakit kaya! Atsaka ilang taon siya doon? Siyempre matagal. Paano na kami?
"Oh. Tahan na, miss." Kahit hindi ko alam kung sino ang lalaking chiniyo at maputi na nasa harapan ko, tinanggap ko ang panyo niya.
"Pasensya na. Lalabhan ko na lang to." Umupo siya sa tabi ko.
"Sayo na yan." Tapos ngumiti siya. Gwapo! "Ako nga pala si Kyle Fernandez. And you are?"
"Braidel Krish Sandiego."
"So bakit ka umiiyak?" Nanahimik ako. Magshashare ba ako sakaniya? Nakakahiya naman. Kakakilala pa lang namin tas dadaldal na ako.
"Okay lang magshare para malabas mo yan. Sige ka, baka maging utot yan." Tumawa ako. Ang corny ng joke niya ha? Pero napagaan niya ang loob ko.
"Sige na nga." Tas nagkwento ako sakaniya. Umiyak tuloy ulit ako.
"Para kang bata, tahan na. Isipin mo na lang, uuwi agad ang papa mo."
"Salamat." Pinunasan ko ang luha ko. ang gaan na ng loob ko.
"Walang anuman! Pag kailangan mo ako, tawagan mo lang ako." Binigay niya sakin ang number niya. Mukhang mayaman din ang isang to ah? "Hatid na kita."
"Wag na."
"I insist." Then sumakay na kami sa kotse niya.
A/N: Sinong bet niyo? Kyle or Heides?
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Novela JuvenilTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!