Braidel's POV
"Anak! May sulat para sayo!" Bigla akong napadilat ng mata. Ano kaya yun?
"Pababa na po ma!" Dali dali akong bumaba para kunin ang sulat. Sobre palang, naexcite na ako. Sana nakapasa ako. *crossed fingers* Dahan dahan kong inalis at binuklat ang papel na nasa loob ng asul na sobre. Habang binabasa ko ito, halos tumalon ako sa building sa sobrang saya.
'Congratulations, Ms. Braidel Krish Sandiego. You have passed the examination for the scholarship in Evergreen University. We are expecting you to come on June 3, 2016 for the enrollment. Job well done!"
"WAAAAH! Mama nakapasa ako!" Nagtatatalon kong sigaw habang niyuyugyog si mama.
"Anak, nahihilo na ako!" Natigil ako sa pagtalon nang narealize ko ang ginagawa ko kay mama.
"Sorry ma. He he. Sobrang saya ko lang talaga!" Muli akong tumalon. Grabe kung mataba lang ako, siguro wala na kaming bahay ngayon.
"Congrats, Anak! Sabi ko sayo eh, kaya mo yan!" At nagkayapan kami. "O sige, tawagin mo na ang kapatid at papa mo sa taas para makakain na tayo."
Pinuntahan ko ang kwarto nina papa at Wade. Tulog pa sila. Yakang yaka kong gisingin ang mga yan.
"Gumising na kayo!" Lumundag ako sa kama at pinagdadaganan sila.
"Aray! Ang bigat!"
"Ouch ate!"
"Oh ayan gising na kayo. Hala, bangon!" May awtoridad kong sabi. Agad silang sumunod sakin at tumayo na parang sundalo. Ilang saglit pa, tumawa kami nang malakas.
"Tara na po! Kakain na." Magkakaakbay kaming bumaba. Umupo kami para magsimulang kumain. Pinagsandukan ko ng pagkain ang kapatid ko.
"Pa, may sasabihin daw sayo si Braidel." Sabi ni mama.
"Ano yun, nak?"
"Pa.." Nilungkutan ko ang boses ko. Kitang kita ko ang pag-aalala niya. "Buntis ako."
"ANO!?!" Galit na galit si papa. Gusto kong humagalpak ng tawa pero pinipigilan ko. "Sinong ama nyan?!"
Yumuko ako. Narinig ko ang mabigat na buntong hininga na galing sakaniya."Anak naman, ang bata bata mo pa. Marami pa kaming pangarap para sayo ng mama mo. Sayang, anak. Paano na ang future mo? Mapapanindigan ba yan ng—" Hindi ko na napigilang tunawa.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Buntis ka na nga, tatawa tawa ka pa dyan?!"
"HAHAHAHAHAHAHA!" Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Shet.
"Papa, niloloko ka lang po ni ate." Sabi ng 5 years old kong kapatid. Hindi halata. Masyadong matalino. Mana sa ate.
"Oo nga hahahaha papa! Ito talaga hahaha ang sasabihin ko sayo!" Unti unti kong tinigil ang tawa ko at binigay kay papa ang sulat na natanggap ko.
"Loka loka ka talaga. Anak, wag mo nang gagawin yun ah. Pinakaba mo ako."
"Opo papa. Sorry." Ngumiti si papa at binasa ang sulat.
"WOW! Congratulations, anak!" Nikayap ako ni papa. Si mama naman, nakangiti lang.
"Salamat pa!"
"Bibilhan kita ng mga damit mamaya. Sahod ko naman eh. Siyempre kailangan mo yun. Eskwelahan kaya to ng mga mayayaman."
"Nako, pa! Kahit wag na. Itabi niyo na lang po yan para sa mga gastusin sa bahay."
"Hindi anak. Bibilhan kita."
"Salamat pa."
Kumain kami habang nagkukuwentuhan. Blessed na blessed talaga ako sa pamilya kong ito. Na kahit hindi nila ako tunay na anak, tinuturing parin nila ako bilang anak at kapatid ng tunay na anak nila. Nagpapasalamat ako sa dyos dahil kahit hindi niya ako binigyan ng maraming pera, binigyan niya naman ako ng isang napakabuti at napakasayang pamilya.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Novela JuvenilTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!