Chapter 14

1.1K 63 1
                                    

Braidel's POV

Nakakaasar talaga! Haist! First kiss ko yun. At sa hudas pa talaga napunta. Bakit? huhuhuhu.

Lumabas ako nang nanlulumo. Nadatnan ko silang kumakain na.

"Oh, problema mo?" -Venus

"May sakit ka ba?" -Kyle

"Wala." At binalingan ko ng masamang tingin si Heides. Tumawa lang siya.

Pagkatapos naming kumain, nagstart na kaming magpractice ng mga lines and actions. Pero may binigay na bagong script si Kyle. At alam niyo kung anong nadagdag?

KISSING SCENE.

Wow. Just wow.

"Kyle, bakit nagkaroon ng kissing scene?!"

"Sorry, braid. Si Venus ang nagbago niyan." Jusko Venus. Ipapahamak mo ako.

Wala sa sarili akong pumunta sa first venue ng first scene namin. Ang kwento namin ay tungkol sa dalawang taong humarap sa napakadaming pagsubok pero itinadhana parin sa isa't isa. Ang mga pangalan ng characters ay Keith and Jude.

(Fast Forward)

Natapos ang practice mula scene 1 hanggang scene 5. Nasa kalahati na kami kumbaga. Hanggang scene 10 lang kasi ang gagawin namin. Wala namang problema kasi nagstastart pa lang ang love story nila keith and jude. 

Para malayo muna sa stress, napagpasyahan namin na pumunta sa isang kainan dito. Merong stage at nagpeperform. Umupo kami at nag-order ng alak at pulutan. Sakin, juice lang. Hindi ako umiinom.

"Oh bakit juice lang ang sayo?"

"I don't drink beers."

Nagpalakpakan ang lahat nang natapos ang performer.

"Sinong gustong kumanta?" Tanong ng host.

"Braidel, kanta na." Bulong sakin ni Venus. Naikuwento ko kasi sakaniya na kumakanta ako at nagsisi ako dun.

"Ayoko nga."

"Dali na."

"AYOKO." Mariin kong sabi.

"Ayaw mo ah." Tumayo siya at nagtaas ng kamay. "Ito pong kaibigan ko!" Malakas na sabi niya. Hay, ano bang klaseg babae to?

"Venus!"

"Yun naman pala eh. Tayo na pretty girl." Sabi ng host.

"Tatayo na yan! Tatayo na yan!" Sigaw ng ibang kumakain dito. Wala na akong nagawa nang hilahin ako patayo ni Venus at pagtulakan sa stage.

"A-ah. Hi?" Napaface palm ako sa utak ko dahil sa sinabi ko. Gosh. Sinabi ko sa DJ ang kantang kakantahin ko. Nagplay ang music and I started to sing.

(Now playing: Tadhana by Up dharma down)

Sa hindi inaasahang,
Pagtatagpo ng mga mundo.
May minsan lang na nagdugtong.
Damang dama na ang ugong nito.

Pumikit ako para mas damhin ang kanta.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinibunyag ka ng iyong matang,
Sumisigaw ng pagsinta.

Bat di papatulan, ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo.
Ako ang sasagip sayo..

Pagkatapos nang madamdamin kong kanta, malakas na hiyawan at palakpakan ang narinig ko. Siyempre sa pangunguna yun ng mga kaibigan ko. Bumalik ako sa upuan nang hiyang hiya.

"What a very nice performance!" Sabi ng host bago dumako sa ibang magpeperforn.

"Ang ganda pala ng boses mo!" -Kyle

"Idol na kita!" -Ivan

"Ang galing mo, braid!" -Jaycee

"Told yah, she's good." -Venus

Lahat sila may mga side comments maliban kay Heides. Problema nito?

Nagstay pa kami dito ng ilang oras. Halos magmamadaling araw na kami nakabalik ng hotel. Lasing na Lasing yung lima. Sila Ivan at Jaycee ang magkasamang naglalakad samantalang sina Venus at Kyle naman ang nagaalayan sa isa't isa. Kaya no choice ako kundi samahan si hudas.

Inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at ang kamay ko sa may waist niya. Psh. ang bigat naman nito. Hinatid ko siya sa kama at pinahiga. Since nauna na si Ivan na room mate niya, tulog na siya nang madatnan namin. Kinumutan ko sila at akmang aalis na.

"Braidel..." Huminto muna ako para pakinggan ang sasabihin niya. "Ang pangit mo." -_____- Akala ko pa naman, maganda ang sasabihin niya. Tss. Pati ba naman sa pagtulog kailangang nilalait ako? Ang ganda ganda ko kaya.

"Pero ang galing mong kumanta..Nakakainlove."



Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon