Chapter 18

1K 52 1
                                    

"Hi pa! Kamusta ka na dyan?"

"Okay lang nak. Kayo?"

"Okay lang din po!"

Kausap namin ngayon si papa sa skype. Miss na miss ko na talaga siya. Ngayon na lang ulit kami nagka-usap simula nang umalis siya.

"Pa, kailan po balik niyo?" Tanong ni Wade.

"Baby, matagal pa bago bumalik si papa. Pero pagdating ko, padadalhan ko kayo ng pasalubong na marami!"

"Talaga papa? Yehey!" Masayang masaya si Wade.

"Sige pa, mag-usap muna kayo ni mama. Alam naman po namin na miss na miss niyo na ang isa't isa." Sabay kindat ko. Pumasok kami ni Wade sa kwarto at naglaro.

"Ate, di mo ba hinahanap yung mga tunay mong parents?" Tanong niya. Nagulat naman ako.

"Hindi baby pero minsan, naiisip sila ni ate." Hindi sumagot si Wade at naglaro ulit.

Hinanap ko sila lalo na nung bata ako.   pero habang lumalaki, hindi ko na sila masyadong naiisip. Masaya ako sa pamilya ko ngayon. Kahit hindi kami mayaman, kuntento na ako.

Tumayo ako at kinuha ang kwintas na nasa cabinet ko. Tunay na gold ang necklace na ito na may pendant na angel. Sabi nila mama, suot ko daw ito nang makita nila ako sa tapat ng pinto nila. Minsan ko nang naisip na mayaman ang mga magulang ko. Ayoko nang mag-isip pa tungkol sa bagay na yun.

Maglilinis na lang ako dahil mamaya, may groupings ulit kami dito.

Heides' POV

"Hello, Mr. and Ms. Villanueva." Nagshake hands sila ni papa. Bakit ba ako sinama ni papa dito?

"Nice to meet you again, kumpare. Is he our inaanak?" Sabi ni Mr. Villanueva.

"Yes. Heides, sila ang ninang at ninong mo." Ah, kaya pala sinama ako dito. Nagmano ako.

"You've grown so fast! At ang gwapo mong bata." Sabi ni Ms. Villanueva.

"Thank you, Ms. Villanueva."

"Ninang na lang." Nagkuwentuhan sila about business. Alam ko namang ako ang magiging tagapagmana ng kumpanya namin pero ayoko munang  makinig sa mga usapang negosyo.

"Dad, I need to go." Bulong ko kay Dad.

"Okay, son."

"Excuse me po. I have to go."

"Take care inaanak." I smiled then umalis na. May groupings pa kami kila braidel. Excited na akong makita siya ^__^

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon