Chapter 15

1K 64 0
                                    

Kakagising ko lang at bumaba para kumain. Nadatnan ko ang lima sa mahabang lamesa na dinadaing ang sakit ng ulo nila.

"Ouch. Ang sakit ng ulo ko." -Venus

"Hang over feels." -Ivan

"Sasabog na ata utak ko." -Kyle

"Sanay na ako dyan." -Jaycee

"Ayan kasi. Inom pa more." Sabi ko habang natatawa ngunit nagbago ang ekspresyon ng aking mukha nang makita ko si Heides.

"Pero ang galing mong kumanta...Nakakainlove."

Niyugyog ko ang ulo ko dahil paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Shet. Umupo na lang ako at hinintay ang pagkain. Maya maya, dumating ang waiter dala ang pagkain namin.

Kumain kami nang tahimik. Hanggang sa binasag ito ni Ivan.

"I think we need to start shooting." We all nodded.

Pagkatapos naming kumain, nagbihis lahat kami ng naaayon sa characters namin. Si Jaycee ang may hawak ng camera.

"Lights, Camera, Action!" Sigaw ni Ivan na siyang hudyat para magsimula na.

****

Mga ilang oras din ang itinagal ng pagshoshoot hanggang sa nasa last scene na kami. Ang scene kung saan muling pagtatagpuin ng tadhana sila Keith at Jude, kung saan marerealize nila na mahal pa nila ang isa't isa. Ang scene kung saan kami magkikiss.

Sana umulan tas kumidlat tas tamaan ako. Ay hindi pala, si Heides na lang ang tamaan para di matuloy yung scene na yun. Nakakainis naman kasi si Venus nilagyan pa nun.

"Okay, last scene. Ready, Action!"

(A/N: Pelikula nila ang tinutukoy dito.)

Naglalakad ako kasama si Venus na Ashley sa pelikula. Nandito kami sa may seaside.

"Paano pag bumalik si Jude?" Hindi ako sumagot. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Mahal mo pa?"

"Ewan." Malungkot kong sabi. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami sa gitna. Kung saan nakasalubong namin si Heides na Jude sa film.

"Keith..."

"Iwan ko muna kayo." At umalis si Ashley. Iniwas ko ang tingin ko nang lumalapit na siya sakin.

"Namiss kita, keith!" Hahagkan niya sana ako pero lumayo ako.

"Hindi kita gustong makita." Natigilan siya.

"Keith..Mahal na mahal kita. Hindi kita niloko." Pinilit kong magpalabas ng luha. At nagawa ko naman. Umiiyak ako at nasasaktan 'kuno'.

"Anong hindi niloko?! Nawala lang ako para tuparin ang pangarap ko sa America! Tapos pagbalik ko, may kahalikan kang iba! Anong hindi niloko?!"

"Nagkakamali ka. Siya ang humalik hindi ako." Umiyak na siya.

Ayon sa script, dahil mahal na mahal ni Keith si Jude, patatawarin niya ito at muling bibigyan ng pagkakataon.

"Masakit kasi Jude. Kung totoo ang sinasabi mo, patatawarin kita at bibigyan muli ng chance. Mahal pa kasi kita Jude. At hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag pinakawalan pa kita."

"Talaga?" At nagyakapan kami.

"Mahal na mahal kita, Keith."

"Mahal din kita, Jude." At ito na ang kissing scene. Unti unting naglapit ang mukha namin. Pumikit ako.

*dug dug dug*

Ilang saglit pa ay naglapat ang mga labi namin. Very passionate kiss.

"Okay, Cut!" Sigaw ni Ivan. Lumayo kami sa isa't isa.

"Good job, Guys!" Sabi ni Venus.

Nakita kong nakatingin sakin si Haedes. Umiwas ako. Nadala kami ng mga pagpoportray namin. Pero ang hindi ko maintindihan, grabe ang tibok ng puso ko.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon