Chapter 24

1K 55 0
                                    

May date kami ngayon ni Heides. Oh ha? Malandi ako. Hahaha char.

*beep beep*

Speaking of. Inayos ko ang aking black dress. Nakakapanibago ang status namin ngayon ni Heides. Bumaba ako at nagpaalam kay mama.

"Oh anak, mag-ingat kayo ng manliligaw mo ah?"

"Ma naman, di pa siya nanliligaw." Baliw tong mama ko. Lakas mang-asar.

"Oh edi hindi. Sige na. Bye nak!"

"Bye ate!" Sabi ni wade.

Kumaway ako sakanila pagkatapos ay lumabas na. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse suot ang black long sleeves polo niya at tight black jeans. I need water please.

"Hi, Braidel!"

"Ah..hi!" Naawkwardan ako. Siguro di lang ako sanay na ganito kami. Hindi nagbabangayan. Pingbuksan niya ako ng pinto katabi ng driver's seat. Pumasok naman ako. Siya naman ang sumakay at pinaandar ang kotse.

Buong biyahe, walang imikan. Marahil ay nahihiya kami sa isa't isa. Katahimikan pa din ang namayani hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling restaurant. Pinakbuksan niya ako ng pinto.

"Heides, ang mahal ata dito."

"Wag kang mag-alala, libre ko." At pumasok kami sa loob. Wow. Nireserve pa ni Heides ang buong restaurant. Wala kasing katao tao pero may isang table at maganda ang pagkakaayos ng lahat.

"Surprise." I smiled. Pinaghila niya ako ng upuan. Napakagentle man naman niya ngayon. Itinaas niya ang kaniyang kamay kaya lumapit ang waiter sa amin dala ang menu.

"Pumili ka na ng kakainin mo." Sabi ni Heides. Nahihiya akong pumili dahil hindi talaga ako sanay na kumain sa mga mamahalin. "Wag ka nang mahiya...O sige, ako na lang ang mag-oorder para sayo." Matapos niyang tingnan ang menu, tinawag niya muli ang waiter para sabihin ang order namin.

"Hindi mo naman ako kailangang dalhin dito, Heides. Masaya na ako kahit saan." Sa wakas ay nakapagsalita na din ako nang maayos. He held my hand.

"But I want the best for you." He smiled.

"Ang gwapo mo talaga kapag nakangiti." Napatakip ako ng bibig sa nasabi ko. Oh no. Traydor na dila to.

"Anong sabi mo?" Ngumiti pa siya nang nakakaloko. I blushed.

"W-wala!" Tumawa siya. Tss. Lagi niya talaga akong pinagtritripan pero naguguluhan ako sa sarili ko dahil kahit lagi niya akong nilalait, nagustuhan ko pa din siya at sa paglipas ng mga araw, tuluyan nang nahulog ang loob ko sakaniya. Mahal ko na siya.

Dumating na ang pagkain namin so we started eating. Marami kaming napagkuwentuhan about sa isa't isa. Mas lalo tuloy kaming nagkakilala. Maya maya pa, natapos na ang pagkain namin.

"May papakita ako sayo." He offered his hands to me and I accept it. Pumunta kami sa may pool ng restaurant. Kakaiba naman ang kainan na ito. May pool.

Buong paligid ay may nakakalat na petals of roses. Ang romantic. Then biglang dumating ang tatlong taong may violin.

[Now playing: Walang iba -Violin Version]

Tumayo siya sa harap ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo halo na lahat.

"Magsimula tayo sa una, kung saan tayo nagkakilala. Naatract na agad ako saiyo noon pero mukhang kang mataray. Wala akong intensyong laitin at insultuhin ka. Nagawa ko lang iyon dahil naghihiganti ka. Alangan na hindi ako gumanti diba? Hanggang sa dumating si Kyle. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis akong makita kayong magkasama. Tapos nabully ka din ng mga fan girls ko. Binato ka nila ng itlog. Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo noon? Nagdate kayo ni Kyle. Sinundan ko kayo nun at sinadya kong sirain ang moment niyong dalawa. And then I realized, gusto na pala kita noong sinamahan mo ako nung mag-isa ako sa boracay." Speechless ako ngayon. Binalikan niya pa talaga ang mga ala ala namin. "..and now na mahal na kita, ayokong patagalin pa ang ganitong ayos. Gusto kong may masabi akong pag-aari na kita. So braidel, look at the pool." Tiningnan ko nga ang pool. May mga nakalutang na mga papel na nagsasabing..

'WILL YOU BE MINE?'

"Will you, gorgeous?" Napaiyak na ako sa sobrang saya. Shet. Akala ko sa wattpad lang nangyayari to. Hindi pala.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.

"Masaya lang ako. YES, handsome." He kissed me on my lips. Gumanti ako. Nagtagal iyon ng mga 5 seconds. Then he hugged me.

"I love you, Braidel Krish Sandiego."

"I love you too, Heides Gabrielle Sandoval."

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon